Aktor hindi mahagilap ng kanyang agent, na-burnout kaya gustong mapag-isa? | Bandera

Aktor hindi mahagilap ng kanyang agent, na-burnout kaya gustong mapag-isa?

Reggee Bonoan |May 20,2023
facebook
share this

Aktor hindi mahagilap ng kanyang agent, na-burnout kaya gustong mapag-isa?

Reggee Bonoan - May 20, 2023 - 09:24 PM

Aktor hindi mahagilap ng kanyang agent, na-burnout kaya gustong mapag-isa?

NOWHERE to be found ang aktor na kahit mismong agent niya ay hindi siya ma-locate at hindi sumasagot sa mga tawag, text messages, at viber.

May international project na ino-offer kasi sa aktor na hindi sumasagot ayon mismo sa agent niya kaya tinanong namin nab aka may emergency na nangyari.

“Walang nangyari, gusto lang mapag-isa ng lolo mo.  Ewan ko ano drama niya sa buhay, e, hindi puwedeng paghintayin kasi taga-ibang bansa kausap ko, e, baka mainip,” tsika ng kausap namin.

May mga ganitong drama raw sa buhay ang aktor kapag nabu-burn out o kaya nagpupunta sa lugar na tahimik at nagpapatay daw ng cellphone.

“Naghahanap ng project, tapos pag meron naman, tanggi ng tanggi kasi hindi type ang role.  Kaya pansin mo madalang gumawa ng movie o serye? Sinabi ko naman na ito sa family niya, sila na magparating kasi hindi ko nga siya ma-contact,”say pa ng agent.

Baka Bet Mo: Vin Abrenica, Sophie Albert nagpakasal na makalipas ang 10 taong relasyon: ‘I have found the one whom my soul loves’

Mabait at okay naman umarte si aktor, ‘yun nga lang hindi rin siya gaanong mabenta kasi nga namimili at higit sa lahat hindi rin siya malapit sa media kaya hindi siya masyadong gusto.

“Oo nga napag-usapan na namin ‘yun, e, ganu’n siya talaga, medyo aloof.  Ugali na niya ‘yun kasi matagal na rin naman siya sa showbiz, di ba?” sabi pa ng agent ng aktor.

Wait na lang natin kung magpaparamdam ang aktor isa sa mga araw na ito at kung type niya ang international project na inihahain sa kanya.

Suwerte nga niya kino-consider siya, e, ang daming artistang mas magaling umarte sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Catriona nagselos ba pasabog na love scene nina Sam at Ivana sa ‘A Family Affair’?

Derek bonggang sasakyan ang anniversary gift kay Ellen: ‘Thank you for giving me so much love, I’ve really found true happiness’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending