Kim Atienza ginulat ang sarili sa pagpadyak sa bisikleta | Bandera

Kim Atienza ginulat ang sarili sa pagpadyak sa bisikleta

Armin P. Adina - May 23, 2023 - 06:31 PM

Kim Atienza ginulat ang sarili sa pagpadyak sa bisikleta

AKTIBONG triathlete dati ang TV host na si Kim Atienza na nagsanay sa pagtakbo, paglangoy, at pagbibisikleta, at lumalahok pa sa mga karera nang ilang taon din. Ngunit cross fit na ang pinagkakaabalahan niya may isang taon na ngayon. Kaya nang nagpalista siya sa isang bike ride event kamakailan, pinili niya ang hindi gaano kalayuang ruta sapagkat matagal na siyang hindi nagbibisikleta.

“I did not imagine it to be still there,” sinabi niya patungkol sa kakayahan niyang magbisikleta nang kausapin siya ng Inquirer makaraan niyang makatapos sa Clark leg ng 2023 PruRide Philippines event sa Clark Global City sa Pampanga noong Mayo 21.

Pagpapatuloy pa ni Kuya Kim, “Naku, baka wala na ang mga distansyang kaya ko. I even signed up for just 60 (kilometers) now. And then I realized, nandoon pa pala. So I actually cycled a total of about 105 kilometers today,” ibinahagi pa niya. Inamin din niyang hindi siya naghanda para sa muling pagpadyak at umasa na lang na magiging maayos ito.

“I was a triathlete also for 13 years eh, and I was cycling almost every day. For one year I did not do it. Bahala na! So I relied on past muscle memory and cross fit training, and it’s all there, I was able to do 105 km quite easily,” aniya.

Baka Bet Mo: Kuya Kim tinawag na plastik ng basher dahil sa mensahe kay Vice: May mga tao talagang likas na toxic

Sa ngayon kasi mga ehersisyo para sa upper-body ang higit niyang inaatupag, aniya. Kaya nagulat siya na kaya pa pala niyang pumadyak nang malayong ruta, higit pa nga sa itinakdang layo, na tila hindi siya tumigil sa pagbibisikleta nang matagal na panahon.

Dati nang pumapadyak nang hanggang 180 kilometro si Kuya Kim noong masugid pa siyang nagbibisileta ilang dekada na ang nakararaan. “I like long distances in the 90s,” aniya. Kaya marami siyang karanasang mapaghuhugutan para sa muli niyang pagsakay sa bisikleta. Hindi naman ito karera, kay mahinahon lang ang pagpadyak niya at ng mga kapwa siklista sa tinawag na “Gran Fondo.”

Kasabay niya sa kalsada ang kapwa PruRide Philippines 2023 ambassadors, ang actor-director na si Zoren Legaspi at news anchor na si Gretchen Ho. Sinamahan din sila ni Sen. JV Ejercito kasama ang ilang libong mga nagpatala mula sa iba’t ibang panig ng Luzon.

Muling papadyak si Kuya Kim kasama sina Legaspi at Ho sa Cebu leg ng cycling festival sa Mayo 28, kung saan kasama sa ruta ang bagong-bukas na Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX). Katulad ng sa Clark leg, may tatlong Gran Fondo distance categories ang nalalapit na event—100 km, 60 km, at 30 km.

Related Chika:
Kuya Kim apektado sa pangdededma ng volleyball team sa mga fans sa Bora; may kumampi pero meron ding kumontra

Vice Ganda nag-apologize kay Karylle, may patutsada kay Kuya Kim?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending