Vice ibinandera ang pagkapanalo ni Ion bilang MVP sa 2023 Star Magic All-Star Games: 'I'm so proud of you Babe ko!!!' | Bandera

Vice ibinandera ang pagkapanalo ni Ion bilang MVP sa 2023 Star Magic All-Star Games: ‘I’m so proud of you Babe ko!!!’

Ervin Santiago |May 22,2023
facebook
share this

Vice ibinandera ang pagkapanalo ni Ion bilang MVP sa 2023 Star Magic All-Star Games: ‘I’m so proud of you Babe ko!!!’

Ervin Santiago - May 22, 2023 - 10:50 AM

Vice ibinandera ang pagkapanalo ni Ion bilang MVP sa 2023 Star Magic All-Star Games: 'I'm so proud of you Babe ko!!!'

Vice Ganda at Ion Perez (Photo from Instagram @vice.ion25)

PROUD na proud ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa bagong achievement na natanggap ng kanyang asawang si Ion Perez.

Ang TV host-hunk model kasi ang itinanghal na “Most Valuable Player” sa pagtatapos ng 2023 Star Magic All-Star Games na ginanap sa SM Mall of Asia Arena kahapon, May 21.

Nanalo rin ang “It’s Showtime” basketball team na kinabibilangan ni Ion kontra Star Magic Dream Team sa score na 80-77.


Nakagawa si Ion ng 24 points para sa kanilang team, habang naka-14 points naman ang “Bida Man” na si Johannes Rissler kaya nagawa nilang mahabol ang Dream Team sa huling quarter ng laro.

Baka Bet Mo: 11-year-old Pinoy singer Peter Rosalita mas lalo pang naging palaban sa ‘AGT All-Stars 2023’, binigyan ng standing ovation

Pagkatapos na pagkatapos ng naturang basketball game ay nag-post agad si Vice sa kanyang social media account para batiin ang kanyang partner pati na ang Team It’s Showtime.

“Im so proud of you Babe ko!!!! My MVP baby!!!!” ang sweet na sweet na tweet ni Vice.


Samantala, hindi rin naman nagpatalbog si Daniel Padilla sa naganap na basketball game na umiskor ng 24 points para sa Dream Team habang naka-14 puntos si Lance Carr at 11 points naman si Gerald Anderson.

Dahil dito sila ang napabilang sa “Mythical 5” ng naganap na laro.

Ang iba pang Star Magic artists na nakilahok sa 2023 Star Magic All-Star Games ay sina Vhong Navarro, Ryan Bang, Zeus Collins, Jin Macapagal, Ronnie Alonte, Zanjoe Marudo, Donny Pangilinan at marami pang iba.

Maymay, Ria, Chie, Enchong, Jake rarampa sa ‘Hot Summer Bikini Ball’ ng Star Magic; Daniel, Donny, Gerald babandera sa All-Star Games

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ion Perez hinangaan ng netizens sa pagiging simple, Vice Ganda super proud sa asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending