Mariel Rodriguez 'feeling mayor' nang maging senador si Robin: Kasi minsan hindi siya puwede may kailangan siyang tanggapin, ako taga-tanggap | Bandera

Mariel Rodriguez ‘feeling mayor’ nang maging senador si Robin: Kasi minsan hindi siya puwede may kailangan siyang tanggapin, ako taga-tanggap

Reggee Bonoan - May 20, 2023 - 06:11 PM

Mariel Rodriguez 'feeling mayor' nang maging senador si Robin: Kasi minsan hindi siya puwede may kailangan siyang tanggapin, ako taga-tanggap

HINDI nawala ang ngiti namin habang pinapanood namin ang vlog ni Mariel Rodriguez-Padilla na guest niya si Ogie Diaz, pero ang ending siya naman ‘yung na-interview.

Sabi nga niya, “Siya (Ogie) ‘yung guest ko sa vlog ko bakit feeling ko ako ‘yung nag-guest?”

Kasi nga maraming tanong si Ogie na sinasagot naman din ni Mariel.

Nakuwento ni Mariel na siya ang laging representative ng asawang si Senator Robin Padilla kapag hindi ito makakapunta sa isang natanguan.

Nabanggit na noong burol ni Nanay Mameng Diaz ni Ogie ay hindi nakadalo si Robin kaya si Mariel ang nagpunta para magdala ng wreath sympathy flowers na nagkataong siya pala ang unang nagdala.

Napag-usapan na hindi yayaman si Robin dahil nga palabigay ito sa mga nangangailangan at nasanay na si Mariel sa ganu’n sitwasyon.

“Ako na ‘yung taga-abot pag sinabi niya (Binoe) na ‘padalhan si ganito’ sabi ko okay magkano?” sambit ng wifey ng senador.

 

Baka Bet Mo: Mariel Rodriguez biktima rin ng body shaming: Pinakanakakainis ay yung sabihan ka ng, ‘Papalitan ka ni Robin kasi mataba ka’

Sa tanong kung mas matrabaho ba para sa kanya na senador na ang asawa niya.

Sey ni Mariel, “First time ko itong sasabihin ‘coz lagi kong sinasabi na walang nagbago sa life ko kasi nakatoka ako to take care of the kids which is true ‘yun. Ngayong nag-uusap tayo, oo nga ‘no, nadadagdagan ako ng responsibilidad?

“Kasi minsan hindi siya puwede may kailangan siyang tanggapin, ako taga-tanggap, may kailangan siyang attend-an na hindi siya makapunta, sige ako na muna minsan pati sa mga wake ako na rin.

“Minsan hindi ko naman kilala ‘yung mga namatay hindi ako pinapupunta ngayon kahit hindi ko kilala pumupunta na rin ako (at) nakikiramay na rin ako.

Sa tanong ni Ogie kung feeling politiko na rin si Mariel, “minsan feeling ko mayor ako talaga. Hindi naman ako nagre-reklamo kasi everytime may nagagawa ako para sa kanya (Robin) ay natutuwa ako.”

At dito na humirit abg dating “Pinoy Big Brother” host, “at nakakatuwa kasi vlog ko pero ako rin pala ‘yung i-interbyuhin, ha, hahaha.”

Pag may gustong regaluhan si Robin ay ang panindang steak sa Cooking Ina Food Market ng asawa ang ipinamimigay na kaagad namang tumatalima ang mama nina Isabella at Gabriella.

“Yes iyon na ang pinangreregalo niya, minsan nahihiya akong sumingil kasi asawa ko.. parang ‘yung order mo para kay ganito (gustong singilin),”pambubuking ni Mariel.

Kaya ang tanong ni Ogie, “kumikita ka pa ba (puro abono)?”

“Sana! Parang naman, sana naman,” saad nito.

Nag-anibersaryo na pala si Mariel bilang online seller na nangyari ito noong nangangampanya ang asawa sa pagka-senador.

“One na po akong online live seller, kung anu-ano na ang binebenta ko ngayon talagang tinder na ako,” sabi nito.

Hindi lang daw sa Pilipinas ang bumibili ng paninda ni Mariel kundi mayroon din sa taga-ibang bansa at pinadadala ang bayad through bank transfer or online app tulad ng Sendwave at pag complete na ang bayad ay saka ipadadala ang produkto.

Ibinalita ring may offer si Mariel na gumawa ng sitcom at sobra siyang nagpapasalamat dahil na-consider siya pero kailangan niya itong tanggihan dahil hindi pa siya handa sa mahabaang tapings.

“Everytime may offer kinikilig ako. May nag-offer sa akin na sitcom, parang ako

‘yung landlady, so, oh my gosh thank you sobra akong kilig kasi na=consider ako, eh. kaya lang hindi ko pa kayang gawin,” pagtatapat ni mariel.

Ang prayoridad niya kasi ay ang pag-aalaga kina Isabella at Gabriella habang nasa informative years sila.

“Feeling ko nga nagi-guilty ako kasi nag=live selling ako kagabi tapos may interview tayo, so ang tagal ko na silang hindi nakikita, e, magkasama naman kami sa bahay, o di ba parang sira ulo lang,”pagtatapat ni Mrs. Padilla.

At dito na rin naipagtapat ni Mariel sa pitong taon na silang hindi magkasama sa kuwarto ni Robin dahil nasa guest room ito.

“Nag-start iyon nu’ng nag-movie sila ni Megastar (Sharon Cuneta) ng Unexpectedly Yours at nagbe= breasfeed ako noon, so, lagi akong nagigising at nagpunta na siya sa guest room, so magse-seven years na siyang ‘guest’ na okay lang sa akin at nasanay na kami sa set-up na ganu’n,”kuwento ni Mariel.

Ganito rin pala ang set-up nina Ogie at ni Mommy Sowl na ina ng limang anak niya dahil ang katwiran niya ay hindi siya sanay ng may katabi dahil mabilis siyang maalimpungatan kapag may gumalaw sa tabi niya at hirap na ulit siyang makatulog.

Dagdag pa ni Mariel, “ganu’n din ang mga anak ko (hirap makatulog) tapos siya (Robin) humihilik, so, magigising ang mga anak ko, e, sleep is important.

“Nasanay na rin minsan kailangan ni Robin na mahaba ang tulog niya, e, kami rin kailangan din naming matulog tapos siya in and out lalo na nu’ng pandemic labas siya ng labas kaya it really worked out kasi ‘yung mga anak ko baka (mahawa) kung anuman ‘yung nasagap niya sa labas..”

Inamin din ng entrepreneur at host na maraming nagtataka sa set-up nila pero katwiran niya ay effective ang ganito nilang sitwasyon.

Say naman ni Ogie, “nakakahiya rin kasi kapag naghihiling ka tapos hindi makatulog ang mga kasamahan mo kahit sa out of town mag-isa lang ako (kuwarto).”

Samantala, binalita ni Mariel na muling babalik ang programa nila nina Ruffa Gutierrez at Ciara Sotto sa Hulyo o Agosto sa isang TV network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

Mariel Rodriguez nawindang sa school project ng anak: Nu’ng bata ako polvoron ang ginagawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending