Ogie Alcasid ibinunyag ang paggawa ng kanta

Ogie Alcasid ibinunyag ang paggawa ng kanta, may pahabol na Mother’s Day surprise kay Regine

Pauline del Rosario |May 20,2023
facebook
share this

Ogie Alcasid ibinunyag ang paggawa ng kanta, may pahabol na Mother’s Day surprise kay Regine

Pauline del Rosario - May 20, 2023 - 02:21 PM

Ogie Alcasid ibinunyag ang paggawa ng kanta, may pahabol na Mother’s Day surprise kay Regine

PHOTO: Instagram/@ogielacasid

MUKHANG may pahabol sa pagdiriwang ng Mother’s Day ang veteran singer na si Ogie Alcasid.

Ibinandera niya kasi sa kanyang latest YouTube video ang ginawang sorpresa para sa misis na si Asia’s songbird Regine Velasquez.

Pero bago ‘yan, ibinunyag na muna ni Ogie ang kanyang sikreto sa paggawa ng kanta.

Ayon sa kanya, wala naman siyang sinusunod na proseso dahil hinahayaan niya lang daw na may bigla siyang maisip na tono at dito niya iisipan na lagyan ng lyrics.

“Wala akong formula,” sey ni Ogie sa video.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Paliwang pa niya, “It’s something that just flows. It has to be something that just sort of transfers to you, of course, from God. And you just have to access that and then let yourself be a channel and vessel.”

Ang tip pa niya, kailangang nakahanda lagi ang cellphone upang ma-record agad sakaling may biglang maisip na kanta.

“I usually will have a phone with me ‘cause syempre hindi naman sa lahat ng pagkakataon ako ay may dalang piano ‘diba,” sambit niya.

Patuloy niya, “And when I hear a melody in my head influenced by something that I just heard…the best thing to do is to record it right away.”

“Tulad ko, malilimutin ako so maganda na ma-record ko agad,” saad pa niya.

Ani pa ni Ogie, “Parang ganun lang, you hum and then you replace it with lyrics and then keep editing it as you go by.”

At dahil may nabuong kanta na nga si Ogie ay kaagad na niya itong pinarinig sa kanyang misis sa unang pagkakataon.

Mapapanood sa video na talagang pinapakinggan ni Regine ang bawat lyrics ng kanta at dahil diyan ay napaiyak pa nga siya.

Napagtanto rin ng singer na ang ginawa ni Ogie ay sorpresa sa kanya ngayong Mother’s Day.

Pati ang ilang netizens, kinilig sa bagong kanta ni Ogie at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Your love for each other was really transcending from our screens to our hearts!! that fire of love that you have for each other, was really really amazing and unique!”

“Awww! You’re just too sweet, Kuya. I love that you never run out of surprises for Ate. I love you two! OgRe for life!”

“Sana magkaroon rin ng answer song then you will perform it together. What a beautiful song.”

Taong 2010 nang ikinasal sina Regine at Ogie sa Batangas.

Matapos ang isang taon ay nabiyayaan sila ng isang anak na si Nate.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hugot ni Kris Bernal: How I want to do my poses doesn’t kill anybody

Ogie umamin kay Regine, nagselos kina Piolo at Robin: Na-insecure ang lolo mo, tsaka ang popogi, e!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending