Michelle Dee binigyan ng ‘replica’ ng Miss Universe Philippines crown: ‘What a dream! This means so much to me!’
DREAM come true para kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang mabigyan ng “replica” ng korona o ‘yung tinatawag na “La Mer en Majesté crown.”
Para sa mga hindi pa masyadong aware, hindi pwedeng itago ng reigning queens ang tunay na korona na ipinapasa sa kanila sa coronation night.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories noong May 18, ibinandera ni Michelle ang nakuhang replica ng korona sa gitna ng intimate dinner kasama ang MUPh creative and events director na si Jonas Gafud at MUPh director of communications na si Voltaire Tayag.
Chika pa ng beauty queen, “Little do people know that the reigning queens never get to keep the crowns.”
“We pass it on along with all the good luck it holds,” dagdag pa niya.
Nakwento pa niya na siya mismo ang nag-request nito sa executives ng MUPh organization bilang pagbibigay-pugay sa kanyang sakripisyo at hard work.
“Needless to say, I always wanted a replica to symbolize all of the hard work and sacrifices it took to get this far,” kwento niya.
Sey pa niya, “WHAT A DREAM. @voltairetayag. Thank you for turning that into a reality. You don’t know how much this means to me.”
Baka Bet Mo: Michelle Dee ‘work mode’ agad sa unang araw ng pagiging Miss Universe PH 2023
Ang La Mer en Majesté crown o “Sea Majesty” crown ay mayroong 17 golden South Sea pearls at nagkakahalaga ng P3 million hanggang P5 million.
Ang stunning headpiece ay ginawa ng luxury brand na Jewelmer.
Ang nasabing korona ay unang ni-reveal noong 2022 at isinuot ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, bago napunta kay Michelle.
Ang Sea Majesty crown ay ang kapalit ng “Filipina” crown na isinuot ng dating titleholders na sina Rabiya Mateo at Beatrice Gomez.
Related Chika:
Bea Gomez sa suot na 2021 Miss Univese PH crown: Ayoko talagang matulog, baka dream lang ang lahat!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.