Kris posibleng maging 6 ang autoimmune condition, nagsimula nang uminom ng 'antimetabolites': Hindi ako sumusuko, sana kayo rin, please' | Bandera

Kris posibleng maging 6 ang autoimmune condition, nagsimula nang uminom ng ‘antimetabolites’: Hindi ako sumusuko, sana kayo rin, please’

Ervin Santiago - May 17, 2023 - 09:20 PM

Kris posibleng maging 6 ang autoimmune condition, nagsimula nang uminom ng 'antimetabolites'

Kris Aquino

MULING nagparamdam ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa social media para magbigay ng update about her health condition.

Makalipas ang isang buwan mula nang mag-post ang TV host-actress sa Instagram tungkol sa kanyang kalusugan at sa kanyang mga anak, nagbahagi uli siya ng developments hinggil sa kanyang kundisyon.

Ayon kay Kris, nagsimula na siyang uminom ng isang klase ng gamot para makatulong sa pagpapagaling ng kanyang mga iniindang sakit.

Nasa Amerika pa rin siya hanggang ngayon at patulong na sumasailalim sa iba’t ibang medications.

“Roughly 13 hours ago, I started my 1st ‘baby dose’ of methotrexate (para hindi na kayo mag google: Methotrexate is in a class of medications called antimetabolites,” simulang pagbabahagi ng nanay nina Joshua at Bimby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Ayon kay Kris, ang naturang gamot ay nagpapabagal daw ng paglago ng cancer cells at maaari ring makagamot ng psoriasis at rheumatoid arthritis.

“Methotrexate treats cancer by slowing the growth of cancer cells. Methotrexate treats psoriasis by slowing the growth of skin cells to stop scales from forming. Methotrexate may treat rheumatoid arthritis by decreasing the activity of the immune system,” esplika ng TV host.

Baka Bet Mo: Kris Bernal sinupalpal ang netizen na nag-comment sa kanyang pregnancy update video ng, ‘Blessing yan, parang pinagsisisihan mo?’

“I won’t bore you with the details but my chest CT scan showed scarring & micronodules in my right lung,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


Kinumpirma pa niya na limang autoimmune diseases ang na-diagnose sa kanya at posible pang maging anim kaya kailangang dagdagan ng dosage ang kanyang gamot kada linggo.

“I can’t be classified as outright having SLE or RA because I’m exhibiting physical manifestations for both. For now it’s definite I have 5, possibly 6 autoimmune conditions and I bit the bullet and started my baby dose slowly increasing the dosage to 7.5 mg per week,”

Ang mga autoimmune diseases ni Kris ay ang chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at Churg Strauss o EGPA na isang “rare and life-threatening form of vasculitis.”

“How badly i wanted to keep this private because i’m scared baka mawalan kayo ng gana to keep praying for me & my doctors, my sons, and my sisters. Hindi ako sumusuko, sana wag rin kayo sumuko? Please? My gratitude post will follow,” ang pahayag pa ni Kris Aquino.

Kris na-diagnose ng 2 pang autoimmune disease; gusto nang sumuko sa laban pero pinatatapang ng 2 anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Erich Gonzales nagparamdam na sa madlang pipol matapos magpakasal sa super rich dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending