Tuesday Vargas ipagtatanggol si Michael V, pasaring kay Rendon: Dudurugin kita! | Bandera

Tuesday Vargas ipagtatanggol si Michael V, pasaring kay Rendon: Dudurugin kita!

Therese Arceo |May 17,2023
facebook
share this

Tuesday Vargas ipagtatanggol si Michael V, pasaring kay Rendon: Dudurugin kita!

Therese Arceo - May 17, 2023 - 09:49 PM

Tuesday Vargas ipagtatanggol si Michael V, pasaring kay Rendon: Dudurugin kita!

BUMANGGA giba ang peg ng actress-comedienne na si Tuesday Vargas sa latest update niya sa social media.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Michael V kung saan makikitang nasa likod niya ito at tila nagtatago at takot na takot.

Maikling caption ni Tuesday, “Kuya, tabi. Ako na” sabay gamit ng hashtag na “#duduruginkita”.

Matatandaang kamakailan lang ay trending ang batikang komedyanteng si Michael V matapos siyang pasaringan ng motivational speaker na si Rendon Labador.

[Tuesday IG]

Sey kasi ni Michael V, “The first thing any content creator should understand is the meaning of the word: ‘CONTENT.”

Baka Bet Mo: Tuesday todo-tanggol kay Bitoy matapos tawaging laos ni Rendon Labador: ‘Hindi ko masikmura na binastos ang iginagalang kong artista’

“Masakit na katotohanan na laos na kayo. WE CONTROL THE MEDIA NOW,” sey ni Rendon. “INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM.”

Isa nga si Tuesday sa mga pumalag at nagtanggol sa kasamahan sa industriya na sinabihan ng foul words ng imbentor ng “motivational rice”.

“Director, artista, writer si Michael V. at respetado siya sa industriya. Hindi siya nakikipagkumpitensiya sa iyo.

“Hindi ko masikmura na binastos ng taong ito ang iginagalang kong artista. Maayos naman ang kanyang sinabi. Nag-cause lang ng animosity between people, akala yata niya ay cool ‘yun,” sey ni Tuesday.

Anyways, mukhang wala namang time si Michael V sa mga patutsada ni Rendon at wala pa rin itong imik sa mga ibinato nitong hindi magagandang salita laban sa kanilang mga artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Tuesday Vargas, Valentine Rosales nagkasagutan sa socmed: ‘Ano ‘to? Parang bata na may kampihan na nagaganap’

Tuesday Vargas naglitanya tungkol sa isyu ng respeto sa nakatatanda matapos ang pasabog ni Dina sa ugali ni Alex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending