Tuesday Vargas naloka sa dalawang 'ma-attitude' na baguhang artista: Mahalin ang trabaho para mas madami pa kayong proyekto | Bandera

Tuesday Vargas naloka sa dalawang ‘ma-attitude’ na baguhang artista: Mahalin ang trabaho para mas madami pa kayong proyekto

Therese Arceo |December 03,2022
facebook
share this

Tuesday Vargas naloka sa dalawang ‘ma-attitude’ na baguhang artista: Mahalin ang trabaho para mas madami pa kayong proyekto

Therese Arceo - December 03, 2022 - 10:18 PM

Tuesday Vargas naloka sa dalawang 'ma-attitude' na baguhang artista: Mahalin ang trabaho para mas madami pa kayong proyekto
HINDI nakapagpigil ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas ukol sa mga “baguhang” artista na nang-deadma sa kanya sa isang event.

Sa kanyang Facebook account ay walang pag-aatubili nitong ikinuwento ang mga nangyari sa naturang event kung saan siya ang naging host.

Pagbabahagi ni Tuesday, hindi pa raw oras para lumabas o sumalang ang mga batang artista ngunit ginawan ng paraan at isiningit ito na mauna na sa program dahil nagmamadali raw ang mga ito.

At ang malala pa ay binati niya ang mga baguhang artista ngunit til deadma lang ang mga ito sa kanya.

“Mga batang artista, kahit gaano kayo ka-sikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag-hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakakatanda,” saad ni Tuesday.

Pagpapatuloy niya, “Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na ang handler nyo at bawal ata kayong pinaghihintay. Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo, dinedma nyo pa ako.”

(

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v)

Tuesday IG)

Sinabihan pa niya ang mga ito na maging mabait sa lahat pati na rin sa mga kasama sa industriya.

Paalala ni Tuesday, “Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder. Pakabait ok? Huwag ganun.”

Nag-comment nga ang award-winning director na si Loiue Ignacio sa post ng actress-comedienne.

“Jusko madaling malalaos yang mga batang yan sa ugali nila. “Feeling sikat agad ha nakakaloka!!!!” sabi ng direktor.

Sagot naman ni Tuesday, “Saad ni Tuesday, “Hayyy direk. Sabi ko, ‘Hi_____! Tuesday.’ Tapos abot ng kamay ko. Hindi ako pinansin tapos si handler hinarangan ako kala magpapa-picture ako. Kaloka.”

Muli namang nag-post ang komedyana dahil napag-alaman niyang kaya naman pala nagmamadali ang mga batang artista ay may pupuntahan pa itong event.

“Ayun! Kaya pala nagmamadali ang dalawa at sumingit sa program kasi um-attend pa sila ng isang event pa ng sponsor nila. Paid gig ito mga anak. Sana di nyo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali,” sey ni Tuesday.

Muli nga ay nagbigay siya ng payo sa dalawang artista.

“Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto. Nakita ko pa talaga sa feed ko eh. Nahuli ko tuloy,” paalalang muli ni Tuesday.

Makalipas ng ilang oras ay binura naman niya ang kanyang mga naging post.

“Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin,” chika ni Tuesday.

Kalakip ng kanyang post ay ang photo quote na nagsasabing “Beautiful things don’t ask for attention”.

Related Chika:
Tuesday Vargas 2 beses nang tinamaan ng virus: Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan

Tuesday Vargas: Batang palengke talaga ako kung saan lahat de-takal at lahat pwedeng tingi-tingi lang

Tuesday Vargas hugot na hugot sa 42nd birthday, feeling blessed: Hintayin n’yo kapag nag-50 na ‘ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuesday Vargas umaming nai-intimidate pa rin kay Bitoy: Pero marami kaming similarities kasi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending