Tuesday Vargas umaming nai-intimidate pa rin kay Bitoy: Pero marami kaming similarities kasi... | Bandera

Tuesday Vargas umaming nai-intimidate pa rin kay Bitoy: Pero marami kaming similarities kasi…

Ervin Santiago |May 24,2022
facebook
share this

Tuesday Vargas umaming nai-intimidate pa rin kay Bitoy: Pero marami kaming similarities kasi…

Ervin Santiago - May 24, 2022 - 11:20 AM

Michael V at Tuesday Vargas

AMINADO ang Kapuso comedienne na si Tuesday Vargas na nai-intimadate pa rin siya kay Michael V kahit pa matagal na silang magkakilala.

Puring-puri ng beteranang komedyana si Bitoy at talagang feeling blessed and lucky daw siya na mapasama sa longest-running gag show na pinabibidahan ng Kapuso comedy genius, ang “Bubble Gang.”

Ayon kay Tuesday, marami silang pagkakapareho ni Michael V kaya naman mas naging madali para sa kanya ang magkaroon ng rapport sa “Bubble Gang” pati na rin sa ibang mga Kababol.

Aniya pa, bilib na bilib din siya sa komedyante at TV host dahil nga bukod sa pagpapatawa sa harap ng camera, siya rin ang nagsisilbing creative director ng gag show.

“I have so much admiration for him, not just as a performer, but as a creative person.

“Kasi nga, ‘yung mga sagot niya sa interview actually marami kaming similarities like we come from humble beginnings na mga batang makukulit na likas na nagkaroon ng pagkakataon na gawin ito for a living,” pahayag ni Tuesday sa panayam ng GMA Network.

“Tsaka Manila Science rin si Bitoy, so may mukha kami sa hallway ng eskuwelahan,” natatawang chika pa ng komedyana.

Kasunod nga nito, nabanggit ni Tuesday na may pagkakataon na ma-intimidate pa rin siya kay Bitoy, “Nakaka-proud na ayan, katabi mo lang siya, tapos kabatuhan mo ng linya.

“Talagang siya ‘yung flagbearer ng show and it’s very hard not to feel intimidated, kapag kasama mo siya, kasi nga naman siyempre si Kuya Bitoy ‘yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v)


“Pero ako as much as I can naka-focus talaga ako sa trabaho, tsaka ‘yung samahan ng grupo, kasi kapag comedy show talagang very, very important ‘yung camaraderie sa set,” sabi pa ni Tuesday.

Mensahe naman ng singer at comedienne sa buong production ng “Bubble Gang”, “Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa bumubuo ng Bubble Gang, kasi ang palabas na ‘to, mas matanda pa sa anak ko.

“So talagang napakataas ng respeto ko sa lahat ng mga writer, lahat ng nasa production at ‘yung nagbigay ng tiwala sa amin para maging bahagi nga nung cast,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa darating na May 27, Friday, mapapanood na ang mga bagong segment sa “Bubble Gang” kasama ang mga bagong members ng cast kabilang na sina Kim de Leon, Faith Da Silva at Dasuri Choi.

Tuesday Vargas 2 beses nang tinamaan ng virus: Stop COVID-19 shaming, ‘wag na po tayong magsisihan

Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto

Xian super fan ni Bitoy; natulala nang makita ang tropa ng ‘Bubble Gang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending