Lolit Solis super happy sa pagkapanalo ni Michelle Dee sa Miss Universe PH, may mensahe sa bashers | Bandera

Lolit Solis super happy sa pagkapanalo ni Michelle Dee sa Miss Universe PH, may mensahe sa bashers

Therese Arceo |May 17,2023
facebook
share this

Lolit Solis super happy sa pagkapanalo ni Michelle Dee sa Miss Universe PH, may mensahe sa bashers

Therese Arceo - May 17, 2023 - 08:34 PM

Lolit Solis super happy sa pagkapanalo ni Michelle Dee sa Miss Universe PH, may mensahe sa bashers

NAGLABAS ng pahayag ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ukol sa pagkapanalo ni Michelle Dee sa nagdaang Miss Universe Philippines 2023.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang larawan ng dalaga na kuha matapos ianunsyo ang pagkapanalo nito kalakip ang opinyon nito hinggil sa pagkakahalal sa dalaga bilang representative sa prestihiyosong beauty pageant sa buong mundo.

“Ayos na sana Salve ang panalo ni Michelle Dee kundi lang nandiyan na naman mga bashers na talagang lagi na ay poor losers sa anuman laban,”saad ni Lolit.

Aniya, may mga tao raw talagang hindo matanggap na pagkapanalo ni Michelle.

Sey ni Lolit, “Basta meron tao na hindi matanggap ang magandang kapalaran ng kahit sino, nagiging questionable ang lahat.”

Chika pa nga ng kolumnista, maganda raw ang naging performance na ipinakita ni Michelle sa nagdaang beauty pageant.

Baka Bet Mo: Pagkapanalo ni Michelle Dee bilang Miss Universe PH 2023 kinuwestiyon, mas deserving daw magwagi si Miss Bohol Pauline Amelinckx

“Maganda ang ipinakita ni Michelle Dee, iyon confidence niya ang talagang nagdala sa kanya, at dahil iyon sa good education.

“Iyon ang dapat laging nasa utak natin, sabi nga ni Boy Abunda, iyon ang tanging yaman ng bawat tao,” lahad pa ni Lolit.

Sabi pa niya, bukod daw sa pagiging maganda, kinakailangan rin na mayroong kaalaman ang isang tao para magtagumpay sa buhay.

Giit ni Lolit,”Hindi puwedeng ganda lang, dahil kumukupas iyon, ang talino hindi mawawala hanggang pagtanda.

“Kaya naman buong buo ang hawak ni Michelle Dee, ganda at talino. Wala ng magagawa pa ang iba. Uwian na, meron ng nanalo, bongga!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Matatandaang noong Sabado, May 13, nasungkit ni Michelle ang korona bilang Miss Universe PH at siya ring magiging pambato ng bansa sa darating na Miss Universe.

Gaya nga ng sabi ni Lolit, marami sa mga netizens ang tila nag-iisip na dapat raw ay si Pauline Amelinckx ng Bohol ang nagwagi at hindi dapat si Michelle.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dedma naman ang dalaga sa isyung ipinupukol ng madlang pipol.

Related Chika:
Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

Lolit Solis pinuri ang pamilya Gonzaga, Alex nagbigay ng financial help para sa kanyang medical expenses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending