Pagkapanalo ni Michelle Dee bilang Miss Universe PH 2023 kinuwestiyon, mas deserving daw magwagi si Miss Bohol Pauline Amelinckx
KUNG may nagbunyi sa pagkapanalo ng Kapuso star na si Michelle Dee bilang Miss Universe Philippines 2023, may mga kumuwestiyon at nang-intriga rin sa resulta ng pageant.
Kagabi, kinoronahan si Michelle, na naging representative ng Makati City, bilang bagong Miss Universe Philippines queen sa naganap na grand coronation night sa SM Mall of Asia Arena.
Binati ng kanyang mga supporters at social media followers ang dalaga sa kanyang tagumpay at sa wakas ay nagbunga na rin ang kanyang pagsisikap at pagsasakripisyo para lamang masungkit ang inaasam na titulo at korona.
View this post on Instagram
Pero may mga nagkomento naman na hindi raw deserving manalo ang anak ng dati ring beauty queen at aktres na si Melanie Marquez dahil may mas magaling pa raw kesa sa kanya.
Ayon sa mga nabasa naking comments sa socmed, mas gusto raw nilang magwagi si Miss Bohol Pauline Amelinckx bilang Miss Universe Philippines 2023 lalo pa’t 10 special awards ang nakuha nito sa preliminary competitions. Si Pauline ang kinoronahang Miss Supranational Philippines 2023.
Kinuwestiyon din nila ang pagkapanalo ni Michelle ng “Best in Evening Gown” at sinabing di hamak na mas maganda at deserving ang ilang kandidata na talaga namang nagpakita ng galing sa pagrampa suot ang kanilang evening gown.
Baka Bet Mo: Pauline Amelinckx sa muling pagrampa sa Miss Universe PH: ‘Not a last minute decision’
Pati raw sa Question & Answer portion ng pageant ay mas magaling daw si Miss Bohol kesa kay Miss Makati. Narito ang tanong at ang naging sagot nina Michelle at Pauline sa nasabing Q&A.
Ang tanong, “Recently, the Department of Tourism has adapted a new branding campaign, ‘We give the world our best.’ For you, what is the best that we could offer to the rest of the world? Why do you consider it so?”
Sagot ni Miss Bohol, “The best that we offer to the world is the Filipino warmth. It is something that we feel in other countries when we see other Filipino communities, but it’s something we feel even more evidently here in the Philippines.
View this post on Instagram
“And with this slogan at heart—this value within us—we’ll be able to bring so many people together to make a meaningful change out there and show them the best the Philippines has to offer.”
Ito naman ang answer ni Miss Makati, “The Philippines is home to very beautiful, natural resources–from the beaches, the mountains. But I firmly believe that the best natural resource of the Philippines has is us Filipinos.
“We are the true heart and soul of the Philippines. With the way we are hospitable, with the warm smiles—and we are the reason why the world keeps coming back for more.
“No matter where the universe takes me, I will always be proud to call the Philippines my home and no matter what happens, I will always be proud to call myself Pinoy.”
Kayo ba, mga ka-BANDERA, agree ba kayo na mas deserving sa Miss Univese Philippines crown si Pauline kesa kay Michelle? O, may iba pa kayong bet pero na-Lotlot de Leon (read: talo)?
Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens na mababasa sa comment section ng Facebook page ng Miss Universe Philippines.
“Bohol for me.”
“For me hindi siya DEE-serving.”
“Wala kaming paki. Mga luto, cooking show.”
“The design is very ngeee!”
“Based on her background check, and from the beginning in the competition, I knew she is the new Miss Universe Philippines 2023!”
“Anong problema n’yo? Mas magaling pa kayo sa judges?”
“Congrats, queen! Truly dee-serves it!”
“After how many try, your time has come. Congratulations!”
“Congrats Michelle Dee!!! Continue the losestreak!!”
“YES!!!! THE BEST, Congratulations Ms. Michelle Marquez Dee our new Miss Universe Philippines 2023.”
Hidilyn nakuha na ang bagong sasakyan; muling nakita ang pamilya matapos ang 2 taon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.