Hidilyn nakuha na ang bagong sasakyan; muling nakita ang pamilya matapos ang 2 taon | Bandera

Hidilyn nakuha na ang bagong sasakyan; muling nakita ang pamilya matapos ang 2 taon

Therese Arceo - August 06, 2021 - 05:59 PM

 

NAKUHA na rinng “weightlifting fairy” ng Pilipinas ang kaniyang bagong sasakyang Kia Stonic na ipinangako sa kanya ng Ayala Corporation at Kia Philippines matapos ang pagkapanalo nito ng kauna-unahang gintong medalya sa Tokyo 2020 Olympics.

Isa lamang ito sa sangkatutak na ipinangako ng mga private companies kay Hidilyn dahil sa karangalang ibinigay nito sa bansa.

“Thank you sa pag-recognize sa pagkapanalo ko,” pasasalamat ng dalaga.

“Thank you so much na na-appreciate ninyo ‘yung nagawa ko para sa bansa,” dagdag pa nito.

Matapos nga ng kanyang pagkapanalo, itinanghal rin ang gold medalist athlete bilang “Atletang Magiting” sa Maging Magiting campaign ng Ayala Foundation.

“Maraming salamat sa lahat ng iyong hirap, pagtyatyaga, sakripisyo, at mataimtom na pananampalataya, tunay kang isang ‘Atletang Magiting’.

“KI-nayang A-butin ang ating gintong pangarap. Tanggapin mo ang munting aly namin, sasakyan ng Kampeon,” saad ni Ayala Foundation President Ruel Maranan.

 

Emosyonal naman ang muling pagkikita ni Hidilyn kasama ang mga magulang matapos mawalay sa isa’t isa nang halos dalawang taon.

Tinapos muna ng dalaga ang kanyang quarantine bago ito nakipagkita sa mga magulang na lumipad pa-Maynila mula sa Zamboanga.

Proud na proud naman na ipinakita nito ang medalyang nakamit sa mga magulang. Kitang-kita ang saya ng tatlo habang umiiyak na nagyayakapan.

Simula December 2019 ay hindi na muling nakita ni Hidilyn ang pamilya.

Lumipad naman ito noong February 2020 papuntang Malaysia kung saan siya nag-training para sa Tokyo 2020 Olympics.

Hindi na nga ito nakauwi dahil ma rin sa COVID-19 pandemic at tuluyan na itong na-stranded sa Malaysia.

Napilitang manirahan si Hidilyn at ang team nito sa isang apartment sa Kuala Lumpur.

Lumipat naman ito noong October 2020 sa Malacca at nanirahan sa bahay ng isang Malaysian weightlifting official.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakauwi laman ito ng Pilipinas matapos ang kanyang laban sa Olympics kung saan siya nga ang nagwagi at kauna-unahang nagkamit ng gintong medalya para sa Pilipinas.

Bago ang pagkapanalo sa Tokyo 2020 Olympics, nagwagi na rin ito bilang silver medalist sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil at gold medalist naman sa 2018 Asian Games at 2019 Southeast Asian Games.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending