Pauline Amelinckx sa muling pagrampa sa Miss Universe PH: ‘Not a last minute decision’
SA ikatlong pagkakataon, muling nakalusot sa final screening ng Miss Universe Philippines ang beauty queen na si Pauline Amelinckx.
Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Pauline ang nakakuha ng titulong Miss Universe Philippines-Charity noong nakaraang taon.
Batchmate niya riyan si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Habang noong 2020 ay naging third runner-up siya sa MUPH na kung saan ay si Rabiya Mateo ang kinoronahan.
Sa Instagram, naging emosyonal ang Boholana beauty queen dahil sa nag-uumapaw na suporta na kanyang natatanggap.
“I’m honestly still super emotional about everything but it’s mostly feelings of happiness, excitement, and a whole lotta GRATITUDE for all the support i’ve been receiving [blue heart emoji],” caption niya.
Sinagot niya rin ang mga nagtatanong sa kanya kung “last minute” nga lang ba nagdesisyon si Pauline para muling sumali sa nasabing beauty pageant.
Ang sagot niya, ilang buwan niya rin daw itong pinag-isipan at humingi pa nga raw siya ng payo sa mga pinakamalalapit niyang kaibigan.
Sey ni Pauline, “A lot of people asked me if this was a last minute decision. but I had been pondering on this for months, tbh.”
Patuloy niya, “I talked to those I trust and those dear to me, and all the while still receiving sweet and supportive messages of so many people.”
View this post on Instagram
Sinabi rin niya na ayaw niyang magsisi sakaling ghindi niya itinuloy ang kanyang muling pagsabak sa Miss Universe Philippines.
“I trust my gut feeling. and I feel like I could still step up, bring people together for meaningful causes and be transformed myself,” saad niya IG.
Dagdag pa niya, “I also knew and felt I would regret it if I didn’t take this leap of faith for my final round with MUPH.
“So I thought if I still have this passion and ambition in me, and the support is overflowing, what the hell am I waiting for? This is my NOW. My PUHON transforming into KARUN [blue heart emoji].”
Bukod kay Pauline, nagbabalik din sa kompetisyon si Michelle Dee na kinoronahang Miss Universe Philippines Tourism 2022.
Pasok din sa Top 40 ng MUPH si Samantha Alexandra Panlilio na dating Miss Grand International 2021, pati na rin si Emmanuelle Fabienne Camcam na naging third runner-up sa Reina Hispanoamericana 2021.
Lalaban din ang vlogger at content creator na si Mary Angelique Manto, gayundin si Binibining Pilipinas 2022 candidate na si Christine Juliane Opiaza.
Ang kokoronahang bagong Miss Universe Philippines ngayong taon ay nakatakdang ilaban sa international stage sa El Salvador.
Related chika:
Bakit napasabi si Miss Universe PH-Charity Pauline Amelinckx ng ‘I’m only human?’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.