Arjo gustong magkaroon ng 3 anak; Maine proud fiancée matapos mapanood ang 'Cattleya Killer': Napakahusay! Galing-galing! | Bandera

Arjo gustong magkaroon ng 3 anak; Maine proud fiancée matapos mapanood ang ‘Cattleya Killer’: Napakahusay! Galing-galing!

Ervin Santiago |May 16,2023
facebook
share this

Arjo gustong magkaroon ng 3 anak; Maine proud fiancée matapos mapanood ang ‘Cattleya Killer’: Napakahusay! Galing-galing!

Ervin Santiago - May 16, 2023 - 07:29 AM

Arjo gustong magkaroon ng 3 anak; Maine proud fiancée matapos mapanood ang 'Cattleya Killer': Napakahusay! Galing-galing!

Arjo Atayde at Maine Mendoza

NAGING matipid sa pagsagot ang actor-public servant na si Cong. Arjo Atayde nang matanong tungkol sa magiging kasal nila ng kanyang fiancée na si Maine Mendoza.

Ayon sa kongresista, looking forward na siya sa pagsasama nila ni Maine bilang mag-asawa at diretso niyang sinabi na kung kakayanin ay tatlong anak ang gusto niya in the future.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Arjo sa special premiere ng bago niyang serye, ang suspense-thriller-drama na “Cattleya Killer” na ginanap sa TriNoma Cinema last Friday, May 12.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)


Si Arjo ang bida sa international psychological thriller na “Cattleya Killer” na remake ng 1996 film na “Sa Aking Mga Kamay” na pinagbidahan ni Aga Muhlach.

Dito nga naitanong sa anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde ang future plans nila ni Maine, kabilang na nga riyan kung ilang baby ang gusto nila kapag sila’y mag-asawa na.

“Whatever it is that we could have in the future, definitely in the near future it’s part of our plan. Kung ano ang ibigay ng Diyos. But definitely three at least in God’s time, or let’s see,” nakangiting sagot ni Arjo.

“I will definitely enjoy (married life) first. We’ll see. Diyos na bahala. But definitely we’re looking forward to enjoying each other’s company,” dugtong pa ng award-winning actor.

Baka Bet Mo: Ellen 3 taon nang hindi nagyoyosi, umaming hirap na hirap mag-quit

Sinagot din niya ang question kung ano ang nakita niyang mga qualities ni Maine na talagang nagustuhan niya at para masabi niyang siya na nga ang “the one”.

“Very hard to explain how a person can be unique the way you see them. But to me, she’s a very loving person, mabuti ang puso niya. That’s also very hard to find, ‘yung sincerity. And grabe magmahal.

“But ‘yun po, hindi ko po ma-explain. Grabe po, eh. It’s a different way, iba po, eh. I’m overwhelmed with the way I love her and she loves me back.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juan Carlos Atayde (@arjoatayde)


“It’s a different understanding. I think I found a best friend, a partner,” pahayag pa ng pa aktor, congressman at film producer.

Samantala, proud fiancée naman si Maine nang mapanood ang napakagaling na performance ni Arjo sa “Cattleya Killer”, “Napakahusay, napakahusay!”

“Super! Lalo na kay tita (Sylvia) as a mom,” ang tugon ng TV host-actress nang matanong kung gaano siya ka-proud sa kanyang future husband sabay hawak sa balikat ni Sylvia.

“Galing! Galing! Congrats, Tita!” pagbati pa ni Maine kay Sylvia, na sinagot naman ng award-winning actress ng, “Wala akong masabi. Basta, magaling umarte ‘yung mapapangasawa mo,” sabay yakap kay Maine.

Hirit pa ni Maine sa magiging biyenan, “Mahusay kayo, kanino pa ba magmamana?” Na sinagot uli ni Sylvia ng, “Thank you, thank you sa pagdating!”

“Nahihiya po ako,” ang pag-amin ni Maine kaya niyakap siya ni Ibyang at unti-unting inilayo sa members ng press.

Samantala, mapapanood na ang 6-part series na “Cattleya Killer” sa streaming app na Prime Video simula sa June 1. Ito ay mula sa direksyon ni Dan Villegas at sa panulat ni Dodo Dayao.

Sabi nga ng producer nitong si Sylvia Sanchez, “After MIPCOM, nakita ko na ang hirap namin at sobrang saya ko. Nagbunga na ang lahat ng hirap namin. Habang napapanood ko ang Episode 1, sabi ko sa sarili ko, ‘Gusto ko pang gumawa ng ganito.’ Ang gagaling lahat ng artista dito.

“Marami talagang magagaling na artista dito sa Pinas. Kailangan lang mabigyan ng pansin. Wow! Ang gagaling ng actors namin,” aniya pa.

‘Cattleya Killer’ ni Arjo Atayde eeksena sa MIPCOM Cannes festival 2022; nangangamoy best actor na naman

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arjo napiling bida sa remake ng ‘Sa Aking Mga Kamay’ ni Aga: “I can’t do what he did but…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending