Sikat na aktor nilaglag ng sariling talent agency, hindi raw bagay sa nilulutong bonggang project ng 2 producer | Bandera

Sikat na aktor nilaglag ng sariling talent agency, hindi raw bagay sa nilulutong bonggang project ng 2 producer

Reggee Bonoan - May 15, 2023 - 03:26 PM

Sikat na aktor nilaglag ng sariling talent agency, hindi raw bagay sa nilulutong bonggang project

Guess, guess who?! Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

TRULILI kaya na mismong management company ng sikat na aktor ang hindi bilib sa kakayahan nito para sa nilulutong malaking proyekto?

Sa isang showbiz event ay napagkuwentuhan ng ilang producers at directors ang tungkol sa malaking project na gagawin nila, magko-collab daw sila, sabi ng aming source.

Ang gusto ng producer na sososyo sa kilalang movie producer ay ang sikat na aktor dahil nga matunog ang pangalan nito ngayon.

Pero tila hindi kumbinsido ang management company ng sikat na aktor dahil may binanggit ang aming source na ibang pangalan na noong naisip namin ay mas bagay nga sa naturang acting project.

Baka Bet Mo: Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Sikat nga ang aktor na gusto ng isang producer pero parang hindi pa nito kayang magdala ng sariling project at higit sa lahat, physically ay waley ito kumpara sa aktor na gusto ng isa pang producer na sikat din naman at may magandang record dahil nakaya na nitong magdala ng sariling project.

Pinag-aaralan ng dalawang producer kung sino ang bibida sa malaking proyekto nila dahil hanggang ngayon ay ‘yung sikat na aktor ang gusto nu’ng isa.

Tungkol naman sa malaking project na ito, remake ang plano ng dalawang producers na pinagbidahan noon ng hindi pa kilalang aktor at sikat na ngayong aktres.

Pagkatapos maipalabas ang pelikula ay biglang sikat si aktor at nasundan ng ilang beses ang proyekto nila ng sikat na aktres, at in fairness maganda ang chemistry nilang dalawa.

Sa kasalukuyan ay pareho pang aktibo sa showbiz ang dalawang artistang ito at matatawag na ring icon ng mga henerasyong artista ngayon.

Bea ayaw munang makatambal si Dominic sa kahit anong proyekto: Parang mas magwu-work kami ng ganito

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Male star pinrotektahan pa rin ang ex-GF na aktres kahit nakipagchurvahan sa isang aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending