Bea ayaw munang makatambal si Dominic sa kahit anong proyekto: Parang mas magwu-work kami ng ganito Bandera

Bea ayaw munang makatambal si Dominic sa kahit anong proyekto: Parang mas magwu-work kami ng ganito

Ervin Santiago |September 19,2021
share this

Bea ayaw munang makatambal si Dominic sa kahit anong proyekto: Parang mas magwu-work kami ng ganito

Ervin Santiago - September 19, 2021 - 11:32 AM

Dominic Roque at Bea Alonzo

KALAT na ang chika na susundan umano ng Kapamilya hunk actor na si Dominic Roque sa GMA 7 ang girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Matagal nang walang proyekto ang binata sa ABS-CBN at dahil Kapuso na nga ngayon si Bea ay napabalitang balak na rin nitong mag-ober da bakod sa Kapuso network.

Ngunit sa pagkakaalam ni Bea, wala pang balak si Dominic na magbalik-showbiz makalipas ang ilang taong pamamahinga sa larangan ng pag-arte. 

“No, I don’t think he’s going to pursue acting anymore. But of course, I cannot speak for him. Siyempre kailangan n’yo rin siyang tanungin para makapagsalita siya,” ang pahayag ng dalaga sa isang online chikahan.

Ayon pa sa bagong Kapuso star, mas gustong pagtuunan ngayon ng pansin ni Dominic ang kanyang business kaya dedma muna ito sa kanyang showbiz career.

“I think he’s busy with something else because meron siyang start-up business ngayon and he’d like to focus on that first. So parang hindi yata muna siya aarte.

“I don’t know. I can’t speak for him, but right now he’s really focused on his company,” pahayag ni Bea.

Samantala, nang matanong naman kung payag ba siyang magsama sila ng aktor sa isang project, natawa muna ang dalaga sabay sabing, “Parang hindi, parang hindi! Like TV show or movies? Parang hindi. Ha-hahaha!”

Ibig bang sabihin, talagang ayaw niyang makatrabaho si Dominic kahit na napakaganda ng materyal at perfect sa kanilang magdyowa ang kuwento?

“Hindi naman sa ganu’n. Siguro, hindi rin ako dapat magsalita nang tapos, baka malay mo balang araw.

“Pero sa ngayon or sa near future, parang hindi ko nakikitang gagawin namin iyon, e.

“Hindi sa ayoko, pero hindi ko lang nakikita na kasama iyon sa plano o kasama iyon sa gusto naming mangyari, lalo na sa ngayon or sa near future.

“Parang hindi. Mas gusto ko na lang, real. Parang mas magwu-work kami ng ganito, parang huwag na natin pagsamahin.

“At least tuwing magkukuwentuhan kami, iba iyong nakukuwento niya sa ginagawa niya sa araw-araw,” magandang paliwanag ni Bea na very soon ay sasabak na sa shooting para sa movie nila ni Alden Richards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending