Kampo ni Valerie Concepcion may nilinaw sa lumabas na chika tungkol sa kanyang pagbubuntis | Bandera

Kampo ni Valerie Concepcion may nilinaw sa lumabas na chika tungkol sa kanyang pagbubuntis

Reggee Bonoan |May 15,2023
facebook
share this

Kampo ni Valerie Concepcion may nilinaw sa lumabas na chika tungkol sa kanyang pagbubuntis

Reggee Bonoan - May 15, 2023 - 10:16 AM

Kampo ni Valerie Concepcion may nilinaw sa lumabas na chika tungkol sa kanyang pagbubuntis

Valerie Concepcion

GUSTONG klaruhin ng kampo ni Valerie Concepcion-Sunga na second baby niya ang ipinagbubuntis ngayon at magpa-five months na ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

May nasulat kasing ikatlong baby na ito ng aktres sa asawang si Francis Sunga na naka-base sa Guam.

Marahil ay nagkaroon ng confusion sa caption ni Valerie nang i-post niya sa kanyang Instagram account nitong Sabado ang larawan ng baby na kuha sa ultrasound kasabay ng maternity photo shoot nila ng asawa.

Aniya, “One is great, two is fun, so why not add another one?”

Ang panganay ni Val ay si Heather Fiona na 20 years old na ngayong 2023 at ang tinutukoy marahil ng aktres sa sinabi niyang “two is fun” ay ang kanyang asawa at ang “another one” naman ay ang ikalawa niyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Concepcion 🇵🇭🇬🇺 (@v_concepcion)


Kung tama ang bilang namin ay sa Oktubre siya manganganak at posibleng sa Guam niya isilang ang sanggol bilang US citizen naman si Francis.

Baka Bet Mo: MayDon fans nakiusap kina Maymay at Donny: Masaya kami kahit delulu lang…

Samantala, sobrang nagpapasalamat si Valerie sa supportive husband niya dahil hindi siya pinatitigil magtrabaho at mag-stay na lang sa Guam kung saan may magandang trabaho si Francis.

Maganda ang arrangement ng mag-asawa na salitan sila sa pagbisita sa Pilipinas at sa Guam. Dito pa rin kasi nag-aaral si Heather at may mga project din si Valerie sa GMA 7.

Sabi nga ni Mrs. Sunga ay nagwo-work ang LDR o long distance relationship sa kanila ni Francis at mas tumitibay pa raw ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Samantala, magandang Mother’s Day gift talaga para kay Valerie ang pagbubuntis sa ikalawang pagkakataon at inamin naman niya na matagal na nilang ipinagdarasal ni Francis ang magkaroon ng anak.

Mike Tan, Valerie Concepcion biglang nagbago ang buhay mula nang magkaanak: ‘Hindi na lang ‘yung sarili mo ang iniisip mo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Valerie Concepcion nakatanggap ng bonggang Mother’s Day gift, buntis sa unang anak nila ni Francis Sunga: ‘God has given us our little answered prayer’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending