Valerie Concepcion may baby boy na

Valerie Concepcion may baby boy na, nanganak sa birthday ng kanyang panganay

Pauline del Rosario |October 27,2023
facebook
share this

Valerie Concepcion may baby boy na, nanganak sa birthday ng kanyang panganay

Pauline del Rosario - October 27, 2023 - 10:18 AM
Valerie Concepcion may baby boy na, nanganak sa birthday ng kanyang panganay
PHOTO: Instagram/@v_concepcion

ISINILANG na ng celebrity mom na si Valerie Concepcion ang baby boy nila ng non-showbiz husband na si Francis Sunga!

At mukhang super special ang kaarawan ng bago nilang anak na October 25.

Alam niyo kung bakit?

‘Yan din kasi ang birthday ng panganay na anak ni Valerie sa dating partner na si Heather na ngayon ay 19 years old na.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ng TV host-actress ang kanyang selfie matapos siyang manganak.

Makikita pa nga sa caption ang katagang, “This is it! [emojis] 10.25.23” at tinag ang mister.

Baka Bet Mo: Kampo ni Valerie Concepcion may nilinaw sa lumabas na chika tungkol sa kanyang pagbubuntis

PHOTO: Instagram Story/@v_concepcion

Kung maaalala, nauna nang inireport ng BANDERA na kahit kasal sina Valerie at Francis ay nagwo-work pa rin ang LDR o long distance relationship nila.

Ayon pa nga kay Valerie, mas tumibay pa ang relasyon nila dahil dito bilang mag-asawa.

Maganda ang arrangement ng mag-asawa na salitan sila sa pagbisita sa Pilipinas at sa Guam. 

Dito pa rin kasi nag-aaral si Heather sa ating bansa at may mga project din si Valerie sa GMA 7, habang ang kanyang mister ay may magandang trabaho sa Guam.

Magugunitang noong May 14 o Mother’s Day nang ibinalita ni Valerie ang pinakamagandang regalo na natanggap niya kung saan ay ipinagbubuntis na niya ang anak nila ni Francis.

Inamin din niya na matagal na nilang ipinagdarasal ang magkaroon ng anak.

Ikinasal ang dalawa noong December 2019 na ginanap sa isang garden wedding ceremony sa Silang, Cavite.

Related Chika:

Valerie Concepcion inaming sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Valerie Concepcion sumabak sa ‘Gender Prediction’ ng TikTok, baby boy ang susunod na anak pero sa Chinese calendar…girl naman daw!?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending