Valerie Concepcion sumabak sa 'Gender Prediction' ng TikTok, baby boy ang susunod na anak pero sa Chinese calendar...girl naman daw!? | Bandera

Valerie Concepcion sumabak sa ‘Gender Prediction’ ng TikTok, baby boy ang susunod na anak pero sa Chinese calendar…girl naman daw!?

Ervin Santiago |May 30,2023
facebook
share this

Valerie Concepcion sumabak sa ‘Gender Prediction’ ng TikTok, baby boy ang susunod na anak pero sa Chinese calendar…girl naman daw!?

Ervin Santiago - May 30, 2023 - 07:59 AM

Valerie Concepcion sumabak sa 'Gender Prediction' ng TikTok, baby boy ang susunod na anak pero sa Chinese calendar...girl naman daw!?

Francis Sunga at Valerie Concepcion

ENJOY na enjoy ang pregnant celebrity mom na si Valerie Concepcion sa pagliliwaliw sa iba’t ibang tourist destinations sa Japan.

Apat na buwan na ngayong nagdadalang-tao ang Kapuso actress at mukhang ine-enjoy lang niya ang kanyang pregnancy journey tulad ng pamamasyal sa ibang bansa.

Ilan sa mga lugar na binisita ni Valerie sa Japan ay ang Universal Studios Japan, Nara Park, Dotonbori, at Arashiyama’s Bamboo Grove.

Sey ng Kapuso star sa kanyang caption, “So bummed out because it was my first time at Universal Studios Japan and I couldn’t ride anything.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Concepcion 🇵🇭🇬🇺 (@v_concepcion)


“But I was still happy because I was able to drink my favorite Butterbeer. Plus, ’twas epic to see Super Mario, Luigi, Kinopio, Princess Peach, etc. LOL. Yes, this momma is such a kid at heart,” aniya pa.

Sa isa pa niyang Instagram post ay makikita naman ang kanyang short video na kuha sa harapan ng Universal Studios Globe gamit ang TikTok filter na “Gender Prediction”.

Baka Bet Mo: Kampo ni Valerie Concepcion may nilinaw sa lumabas na chika tungkol sa kanyang pagbubuntis

Dito pwedeng i-test kung baby girl o baby boy ang ipinagbubuntis ng isang babae sa pamamagitan ng pagpili sa dalawang choices sa itatanong ng filter.

“Bippity Boppity Boo! I am 16 weeks pregnant today. Is our little munchkin a handsome little he or a beautiful little she?

“Here’s a fun gender prediction video! Pink or Blue? What do you guys think?” ang caption ni Val sa kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Concepcion 🇵🇭🇬🇺 (@v_concepcion)


Base sa mga naging sagot ni Valerie sa “gender test” tulad ng wala siyang nararamdamang morning sickness at ang pagkakaroon ng acne breakouts, malamang daw na lalaki ang nasa kanyang sinapupunan.

Ngunit base naman Chinese Calendar, dahil daw sa pagke-crave niya ng matatamis na pagkain, girl daw ang kanyang magiging baby.

Sa “intuition” naman niya bilang nanay, idagdag pa ang feeling at hula ng kanyang asawang si Francis Sunga, malamang daw boy ang magiging anak nila.

Napapanood ngayon si Valerie sa GMA Afternoon Prime drama series na “The Seed of Love” kasama sina Glaiza de Castro at Mike Tan. Incidentally, buntis din ang karakter niya sa nasabing programa.

Ang ipinagbubuntis ni Valerie ay ikalawa na niyang anak. Meron na siyang 16 years old daughter sa dati niyang partner, si Heather Fiona.

Valerie Concepcion inaming sinubukang kausapin ang ama ng panganay na anak pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2023 prediction ni Stargazer: Biglang pagkamatay ng kilalang komedyante, ex-songstress sasabit sa iskandalo, veteran actor binalaan sa pagkain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending