#Sosyalin: Arjo, Maine nagkayayaan sa Singapore, nag-date sa Universal Studios | Bandera

#Sosyalin: Arjo, Maine nagkayayaan sa Singapore, nag-date sa Universal Studios

Reggee Bonoan |June 03,2019
facebook
share this

#Sosyalin: Arjo, Maine nagkayayaan sa Singapore, nag-date sa Universal Studios

Reggee Bonoan - June 03, 2019 - 05:07 PM

NAGKAKASUNDO ang showbiz couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza pagdating sa pagta-travel.

Panay ang kanilang out of the country trips dahil gusto nilang bumuo ng magagandang memories together para may mga alaala nga naman sila sa kanilang pagtanda.

Tulad nitong Linggo, biglang lumipad pa-Singapore ang ArMaine dahil gusto nilang mag-Universal Studios. Di ba, sosyalin! Magde-date lang talagang sa SG pa.

Anyway, tsika sa amin nang nakasabay sa eroplano nina Maine at Arjo, “Nagre-record si Maine habang nasa loob ng plane with face mask at ikinukuwento niya kung saan sila papunta tapos si Arjo nakaupo sa kabilang side, kinunan din ni Maine at ngumiti siya. Hindi sila magkatabi, eh.”

Base sa mga litratong ipinadala sa amin ng fans na ipinost nila sa kanilang social media accounts, kahit nagbabakasyon, pinagbigyan pa rin nila ang mga fans na nagpapalitrato. Pinik-ap naman ito ng ArMaine supporters at nakuha rin ng media kaya mabilis na kumalat ang balita.

Anyway, kuwento naman ng isang kababayang Pinoy na nakakita kina Arjo at Maine sa Universal Studios, “Si Maine kinukunan ang lahat nang pinupuntahan nila sa Universal, nagkukuwento siya. Ang init nga raw sa Universal.”

Sabi naman ng isa, “Bagay na bagay sina Maine at Arjo sa personal. Mabait sila, okay sa kanila na maraming nagpapa-picture. Cute nila.”

Hindi naman umabot ng 24 oras ang pamamasyal nina Arjo at Maine sa SG dahil nitong madaling araw ay dumating na agad ng Pilipinas ang dalawa dahil may mga trabaho pa. Ang aktor ay dumiretso sa taping ng The General’s Daughter at ang dalaga naman ay umuwi muna ng condo niya para magpahinga.

Si Arjo palang ang boyfriend ni Maine na ipinakilala niya sa kanyang mga magulang, at fact ‘yan dahil galing mismo ‘yan sa dalaga.

Samantala, si Arjo ang nanalong Best Supporting Actor para sa pelikulang “Buy Bust” bilang si Biggie Chen sa katatapos na 35th PMPC Star Awards for Movies.
Obviously hindi personal na natanggap ng aktor ang kanyang tropeo last Sunday dahil nasa Singapore siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending