Sharon, Kiko sa Japan magse-celebrate ng 27th anniversary: 'Kapag nakabuo pa kami ibig sabihin kundi nasapian, kinulam kami' | Bandera

Sharon, Kiko sa Japan magse-celebrate ng 27th anniversary: ‘Kapag nakabuo pa kami ibig sabihin kundi nasapian, kinulam kami’

Ervin Santiago |April 26,2023
facebook
share this

Sharon, Kiko sa Japan magse-celebrate ng 27th anniversary: ‘Kapag nakabuo pa kami ibig sabihin kundi nasapian, kinulam kami’

Ervin Santiago - April 26, 2023 - 05:32 PM

Sharon, Kiko sa Japan magse-celebrate ng 27th anniversary: 'Kapag nakabuo pa kami ibig sabihin kundi nasapian, kinulam kami'

ALIW na aliw ang mga fans at social media followers ni Megastar Sharon Cuneta sa hirit niyang anniversary message para sa asawang si Kiko Pangilinan.

Magse-celebrate na ng kanilang 27th wedding anniversary ang TV host-actress at dating senador sa April 28 at sa ibang bansa nila naisipang ipagdiwang ito.

Ngayong araw, April 26, umiral na naman ang pagiging komedyante ng nag-iisang Megastar at nag-post ng kanyang paandar at nakakalokang anniversary message kay Kiko sa kanyang Instagram account.

Kuwento ni Shawie, sa Japan sila magdiriwang ni Kiko ng kanilang wedding anniversary.

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta never ginustong hindi sumikat si KC: Kung mayroon mang naglagay no’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos

“Konichiwa!!! 27th Wedding Anniversary namin ni neybor @kiko.pangilinan sa 28th kaya dinala niya ako sa Japan today!” ang bahagi ng IG post ng movie icon.

Dagdag pang mensahe ni Mega, “Pag nakabuo pa naman kami at nasundan si bunso eh nakakaumay na. At pag nangyari ‘yon ibig sabihin kundi nasapian itong si Kiko ay kinulam kami.”

Pinusuan at ni-like naman nang bonggang-bongga ng mga Sharonians ang IG post ni Sharon. May mga nagkomento na baka naman pwede pang makaisa sina Kiko at Mega sa Japan.

Sabi naman ng ilang IG followers ng actress-singer, kung hindi na pwede ay huwag na talagang ipilit dahil baka malagay pa sa panganib ang kanyang buhay dahil sa kanyang edad.

Related Chika:
Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa ‘Ang Probinsyano’, bet makasama sa cast ng ‘Batang Quiapo’

Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending