Mike Tan, Valerie Concepcion biglang nagbago ang buhay mula nang magkaanak: 'Hindi na lang 'yung sarili mo ang iniisip mo' | Bandera

Mike Tan, Valerie Concepcion biglang nagbago ang buhay mula nang magkaanak: ‘Hindi na lang ‘yung sarili mo ang iniisip mo’

Ervin Santiago |May 09,2023
facebook
share this

Mike Tan, Valerie Concepcion biglang nagbago ang buhay mula nang magkaanak: ‘Hindi na lang ‘yung sarili mo ang iniisip mo’

Ervin Santiago - May 09, 2023 - 07:54 AM

Mike Tan, Valerie Concepcion biglang nagbago ang buhay mula nang magkaanak: 'Hindi na lang 'yung sarili mo ang iniisip mo'

Glaiza de Castro, Mike Tan at Valerie Concepcion

TALAGANG nagbago nang bonggang-bongga ang takbo ng buhay ng mga Kapuso stars na sina Valerie Concepcion at Mike Tan mula nang sila’y maging mga magulang.

Ayon kay Mike, na meron na ngayong dalawang anak na babae sa kanyang non-showbiz wifey, biglang naiba ang mga pananaw at priorities niya in life nang maging tatay na siya.

“Ang laki ng pinagbago. Of course, ‘yung priority sa buhay, nagbago. Hindi na lang ‘yung sarili ‘yung iniisip mo. Every time na lumabas ka, may iba ka nang iniisip.

“And, of course, you are not just providing for yourself. You are providing for your family, growing family. I have two daughters, and sila na ‘yung iniisip ko,” kuwento ni Mike sa online presscon  ng pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na “The Seed of Love.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mike Tan (@imiketan)


“Iniisip mo na rin ‘yung future nila, kung paano mo sila palalakihin, ano ‘yung gusto mong values nila habang lumalaki sila. Iniisip ko rin ngayon kung saan sila i-e-enroll kasi magpapasukan na sa susunod.

“Marami kang iniisip, siyempre magtatabi ka na rin ng pang-tuition nila kasi malapit na pasukan. So, ang dami,” pagbabahagi pa ng Kapuso star.

Baka Bet Mo: Regine inaming nagbago na ang boses, super thankful sa fans: You guys inspire me to try and be better

Para naman kay Valerie, na naging mommy sa edad na 16, madali raw siyang nag-mature nang ipanganak niya si Heather Fiona Galang.

“Malaki ang pinagbago ng buhay ko simula nang nagkaanak ako kasi 16 years old ako when I had my daughter. So, ano bang alam ko?

“Totoo pala ‘yung sinasabi nilang maternal instinct na kapag nagkaroon ka na ng anak, lalabas talaga ‘yung kahit hindi mo alam, ‘yung natural na pagiging nanay,” pahayag ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Valerie Concepcion 🇵🇭🇬🇺 (@v_concepcion)


Dagdag pa niyang paliwanag, “Tapos, ‘yung bigla kang magma-mature and magkakaroon ng direksyon ‘yung buhay mo kasi parang, ‘Ah, ito pala ‘yung purpose ko sa buhay, ‘yung mapalaki ko ‘yung anak ko nang maayos, na kahit ako lang mag-isa, with the help of my parents, na dapat kayanin ko siyang mapalaki nang maayos.’

“Malaki, malaking-malaking pagbabago ang nangyari sa buhay ko simula nu’ng magkaroon ako ng anak,” sey pa ni Val.

Makakasama rin nina Mike at Valerie sa “The Seed of Love” si Glaiza de Castro. Iikot ang kuwento ng serye sa mag-asawang Bobby (Mike) at Eileen (Glaiza) na magkakaanak sa pamamagitan ng in-vitro fertilization.

Ngunit sunud-sunod na pagsubok at trahedya ang haharapin ng mag-asawang Mike at Glaiza hanggang sa pumasok na nga sa eksena si Valerie na siyang wawasak sa pagsasama nila.

Nagsimula na kahapon ang “The Seed of Love”, May 8, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime, pagkatapos ng “AraBella.”

Anne Curtis, Kim Chiu inaming ‘nagmakaawa’ noon dahil sa pag-ibig: ‘Hindi mo iniisip kasi mahal mo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habilin ni Manay Solis: Pag nauna ako sa favorite dog ko, isama siya sa akin sa cremation ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending