Mike Tan walang balak mag-showbiz: 'Ang gusto ko talaga magseminaryo para magpari' | Bandera

Mike Tan walang balak mag-showbiz: ‘Ang gusto ko talaga magseminaryo para magpari’

Ervin Santiago |February 13,2023
facebook
share this

Mike Tan walang balak mag-showbiz: ‘Ang gusto ko talaga magseminaryo para magpari’

Ervin Santiago - February 13, 2023 - 06:43 AM

Mike Tan walang balak mag-showbiz: 'Ang gusto ko talaga magseminaryo para magpari'

Mike Tan

KNOWS n’yo ba na may plano palang maging pari noon ang Kapuso actor at celebrity daddy na si Mike Tan?

Yan ang inamin ni Mike nang sumalang sa nakaraang episode ng “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” kung saan isa siya sa mga tumayong choices.

Ayon sa aktor, kung hindi siguro siya napasabak sa pag-aartista baka raw isa na siyang ganap na pari ngayon.

Mike Tan naka-graduate na rin sa college, nagpasalamat sa mga kapwa artista na tumulong sa kanyang ‘research’

Balak na raw sana niyang pumasok sa seminaryo noong teenager pa lamang siya pero bigla ngang nagbukas ang ilang oportunidad sa mundo ng showbiz.

Nakasama si Mike sa “StarStruck Season 2” na umere sa GMA noong 2004, 17 years old pa lamang daw siya noon at wala naman talaga sa mga plano niya ang maging artista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mike Tan (@imiketan)


“Sa totoo lang, hindi talaga (balak mag-showbiz). Ang gusto ko talaga noon ay magseminaryo para magpari,” rebelasyon ng Kapuso star.

Aniya, sinubukan din daw niyang mag-model noong kabataab niya dahil maraming kumukuha sa kanyang rumampa sa mga fashion events hanggang sa sinubukan nga niyang mag-audition sa “StarStruck.”

“Nagra-ramp model na kasi ako. Siyempre, sobrang sikat noong batch one, nandiyan si Rainier (Castillo), si Mark (Herras). Tapos, na-realize ko na parang, ‘Subukan ko rin kaya?’

“Tapos, pumila kami roon sa GMA. Ako yung nagpaalam sa nanay ko na pumunta sa GMA para mag-audition,” kuwento ni Mike.

Pari sa Cebu nagsayaw ng ‘Ting Ting Tang Ting’ sa simbang gabi, netizen napataas ang kilay

Sey ng aktor, nang makapasa siya sa audition at mapasama nga sa second batch ng original reality talent search ng “StarStruck” ay nagdesisyon siyang karirin na ang pagso-showbiz.

“Kapag sumali ka na kasi gusto mo na talaga. Ang goal mo na talaga, ang end goal mo na talaga maging artista na. Pero nandun talaga ako para sa prize money, one million, e,” ani Mike na siya ngang nagwaging Ultimate Male Survivor sa “StarStruck Season 2.”

Sa tanong kung anong nangyari sa pangarap niyang maging pari, “Ang sabi naman sa akin noong pari before, mag-aral na muna ako ng college sa labas para malaman ko kung talagang calling ko ang pagpapari. Ayun, nandito na ako.”

Mula noon ay napasama na si Mike sa mga pambatong leading man ng GMA 7 at nabigyan ng mga teleserye. Very soon ay mapapanood uli siya sa upcoming Kapuso series na “The Seed of Love” opposite Glaiza de Castro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Boy Abunda nakipag-usap kay Mike Enriquez matapos pumirma ng kontrata sa GMA; nanawagan kina Heart at Marian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending