Red flag yarn: Slater Young binanatan sa naging reaksyon tungkol sa mga lalaking nagpapantasya ng ibang babae kahit may dyowa na
NA-RED flag bigla ang content creator at dating aktor na si Slater Young dahil sa mga naging pahayag niya tungkol sa mga lalaking nagpapantasya ng ibang babae kahit “in a relationship na.”
Umani ng batikos ang “Pinoy Big Brother” winner matapos mag-react sa kuwento ng isang listener sa kanilang podcast na nalaman nitong nagpapantasya ng ibang girls ang kanyang dyowa.
Sa group chat daw ng kanyang boyfriend at ng mga kaibigan nito ay may mga litrato ng babaeng pinagpapantasyahan daw nila. Kaya tanong ng listener, tama ba o normal ba na gawin ito ng mga guys na may karelasyon na.
Ayon kay Slater “very normal” lang daw sa mga lalaki na may dyowa ang mag-chat tungkol sa ibang babae, magiging mali lamang ito kung papatulan nila ang pinapantasyang girls na posibleng mauwi sa cheating.
View this post on Instagram
“The guy is being absolutely honest. Kasi siyempre, if I’m going to lie to you, and you ask me if I have boners about other women and if I wanted to lie just to make you comfortable, I’m just gonna say, ‘No, of course not.’
“Kryz (asawa ni Slater) and I talk about that. It’s normal. It’s just a fact of life that there are many other women more attractive than you or just as attractive than you,” paliwanag ni Slater.
Aniya pa “Yung mga groups na nagse-send ng mga photos of girls and like fantasizing over it, it’s normal. We have a lot of chat groups with friends, not necessarily dedicated to that.
“From time to time, usually comes from dalawa or tatlong tao na mahilig mag-send nang ganyan. May mga comment-comment pa. Siyempre ikaw, as part of that group and as a guy, sakyan mo lang,” katwiran ng dating Kapamilya actor.
Patuloy pa niyang paliwanag, “Sa example ko na 10 kami and may tatlo na ganyan, yung tatlo, meron silang group of like-minded people na nag-si-send ng mga ganyan.
Baka Bet Mo: Zeinab Harake may kayakap sa pool, nakahanap na nga ba ng gwapong dyowa?
“That’s where they get it from usually and they send it to the other groups. Yung dumating sa amin, medyo filtered na. As a guy, sakyan mo lang. Wala naman. Hindi mo naman gusto talaga,” aniya pa.
Para naman kay Kryz, malaki ang tiwala niya sa kanyang asawa kaya hindi niya pinakikialaman ang cellphone nito. Feeling niya, hindi gagawa si Slater ng mga bagay na pag-aawayan nila o maglalagay sa relasyon nila sa alanganin.
May mga sumang-ayon sa sinabi ni Slater pero mukhang mas marami ang bumatikos sa kanya na hindi matanggap ang ginawa niyang pagpapakatotoo.
View this post on Instagram
“Talaga ba Slater? Mukhang red flag ka dyarn! Kahit ano pa ang sabihin mo, ang magpantasya sa ibang babae kahit may karelasyon ka na ay foul! Parang cheating na rin yun. Dyan magsisimula ang problema!”
“Admiring someone is acceptable- that’s normal for both genders, but as a person in a committed relationship or marriage fantasizing is not acceptable as it can possibly hurt your partner’s feelings whether you’re a man or a woman. If you really love your partner, fantasizing another person won’t even arise.”
“Naging red flag bigla si Slater Young.”
“Admiring is different from fantasizing! And fantasizing someone especially when you’re in relationship is not normal! LOL.”
“May mga normal na mali. Calling it normal doesn’t make it right. Saying that it’s wrong and refusing to call it normal is one of the ways to keep it from becoming normal. Hindi natin mababago ang behavior ng iba. Pero we can still say it’s wrong.”
Luis, Jessy alam ang socmed password ng isa’t isa; salitan sa pagbabayad kapag nagde-date
Kryz Uy binalaan ang publiko laban sa scammer, poser na gumagamit sa pangalan niya sa YouTube
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.