Chris Evans ‘in a relationship’ na, ibinandera ang dyowa sa socmed
MAY nanalo na talaga sa puso ng Hollywood actor at dating “Captain America” star na si Chris Evans!
Kinumpirma na kasi ng aktor na ang Brazilian-Portuguese actress na si Alba Baptista ang kanyang girlfriend.
Ang rebelasyon ay isinagawa ni Chris sa pamamagitan ng isang compilation video na ibinandera niya mismo sa kanyang Instagram stories kamakailan lang.
Makikita sa video na tila isa itong year-ender for 2022 at makikita ang serye ng masasayang pranks ng dalawa.
Caption pa nga ng aktor sa video, “A look back at 2022 (red heart emojis).”
Chris Evans and girlfriend Alba Baptiste scare each other in hilarious set of videos. ❤️ pic.twitter.com/EVfGkUEwjT
— Pop Crave (@PopCrave) January 6, 2023
Noong Nobyembre, iniulat ng American weekly magazine na “People” na isang taong nang magka-date sina Chris at Alba.
Kinumpirma raw ito ng isang pinagkakatiwalaan nilang source.
Ayon pa sa nasabing magazine, seryoso umano ang dalawa sa kanilang relasyon at bet din daw ng pamilya ni Chris ang babae.
“The two have been dating for over a year and it’s serious,” saad ng naturang source.
Aniya, “They are in love and Chris has never been happier.
“His family and friends all adore her.”
Ang latest movie project ni Alba ay ang kanyang pagganap sa comedy drama film na “Mrs. Harris Goes to Paris.”
Tampok din siya sa fantasy drama series ng Netflix na “Warrior Nun.”
Isa ring award-winning actress si Alba na kung saan ay nakatanggap siya ng “Shooting Star” award sa Berlin Film Festival.
Samantala, itinanghal naman kamakailan si Chris ng People’s magazine bilang “Sexiest Man Alive” nitong 2022.
Related chika:
Jo Koy ka-level na si Chris Evans, nakasama rin sa ‘2022 Sexiest Man Alive’
Hollywood actor Chris Evans ‘in a relationship’ na nga ba?
Chris Evans ‘Sexiest Man Alive’ ngayong taon: My mom will be so happy!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.