Cristy Fermin sinabing ‘under’ ni Liza si Enrique

Cristy Fermin sinabing ‘under’ ni Liza si Enrique, may hinalang wala nang LizQuen

Pauline del Rosario |May 11,2023
facebook
share this

Cristy Fermin sinabing ‘under’ ni Liza si Enrique, may hinalang wala nang LizQuen

Pauline del Rosario - May 11, 2023 - 04:32 PM

Cristy Fermin sinabing ‘under’ ni Liza si Enrique, may hinalang wala nang LizQuen

Cristy Fermin, LizQuen

UNDER da saya o sunud-sunuran.

‘Yan ang naging paglalarawan ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin sa aktor na si Enrique Gil.

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na!” kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez, isa sa mga napag-initan ay ang aktor dahil nananatiling tikom ang bibig nito pagdating sa mga kinasasangkutang kontrobersya ng kanyang girlfriend at aktres na si Liza Soberano.

Ayon kay Tita Cristy, dapat magkaroon din ng paglilinaw sa side ni Enrique lalo na’t sila pa rin ni Liza.

Kasabay niyan ay nagbigay pa ng payo ang kolumnista sa bagong manager ng aktor.

Sey niya, “Alam mo, ‘yung bagong manager nitong si Ken, anak ni Tita Jun Rufino na si Ranvel, kailangan siguro kausapin niya ang kanyang alaga.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nakatanggap nga ba ng mensahe ng pakikiramay mula kina Liza at Enrique?

“Hindi sapat ‘yung tahimik lang. Hindi sapat ‘yung hindi nakikihalo,” saad niya.

Ani pa niya, “Kailangan mayroon din siyang sabihin para sabihin din naman ng publiko na mayroon siyang paninindigan.”

Sinabi ni Cristy na netizens na mismo ang nagsasabing tila tau-tuahan lang si Enrique pagdating kay Liza.

“Alam mo ang nai-imagine ko, kung ganito nga na matindi na ang mga isyu na pinag-uusapan, hindi pa rin kumikibo si Ken, paano ‘nung maayos pa sila? Edi kung ano nalang ang sabihin ni Liza. Sunud-sunuran na lang,” sambit ni Tita Cristy.

Hirit naman ni Romel, “Parang ganun na ngayon ang lumalabas, na talagang wala siyang sey sa relasyon. Parang si Liza ang nasusunod sa lahat.”

At dahil sa mga nababasang pamba-bash sa aktor ay nagkaroon tuloy ng hinala si Tita Cristy na baka matagal nang hiwalay ang dalawa.

Sambit ng batikang kolumnista, “Isang araw masosorpresa tayo dahil ang katotohanan pala ay wala na sila matagal nang panahon. Pinagtatakpan lang nila ito.”

Patuloy niya, “‘Yun ang nasa paniniwala ng marami kasi hindi ka man lang nagsasalita.”

Dagdag pa niya, “Lalo na LDR sila, Long Distance Relationship, bibihira ang nagtatagumpay sa ganyan.”

“Kaya dapat itong si Ken, dapat magkaroon ng paninindigan. Kaysa ‘yung ganyan na sinasabihan ka na sunud-sunuran,” ani pa ng kolumnista.

Magugunitang naging hot topic din ng isa pang veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ang tungkol sa pananahimik ni Enrique.

Ngunit ‘yan ay taliwas sa mga naging komento ni Tita Cristy.

Ayon naman kay Manay Solis, tama ang diskarte ng Kapamilya actor na dumistansya muna sa kanyang ka-loveteam na nasa Amerika.

Mas maganda daw ‘yan kaysa lumabas na sumasakay lang sa mga isyu tungkol kay Liza.

Kamakailan ay pumirma muIi ng exclusive contract si Enrique sa ABS-CBN at inaasahan na may pasabog siyang comeback project.

Related Chika:

Lolit Solis bet na bet si Nadine Lustre: Mukha siyang natural at walang arte kasama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie hindi na nakapagtimpi kay Cristy Fermin: Grow up! Ang tatanda nyo na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending