Lyka Estrella 3 beses sumali sa 'Tawag ng Tanghalan' bago itinanghal na kampeon, binigyan ng standing ovation ng mga hurado | Bandera

Lyka Estrella 3 beses sumali sa ‘Tawag ng Tanghalan’ bago itinanghal na kampeon, binigyan ng standing ovation ng mga hurado

Alex Brosas |May 08,2023
facebook
share this

Lyka Estrella 3 beses sumali sa ‘Tawag ng Tanghalan’ bago itinanghal na kampeon, binigyan ng standing ovation ng mga hurado

Alex Brosas - May 08, 2023 - 06:54 AM

Lyka Estrella 3 beses sumali sa 'Tawag ng Tanghalan' bago itinanghal na kampeon, binigyan ng standing ovation ng mga hurado

Luka Estrella

MAGANDA ang kuwento ng buhay ni Lyka Estrella na tatlong beses na palang sumali sa “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime”.

Si Lyka ang itinanghal na grand winner ng “Tawag ng Tanghalan” last Saturday. Sa chika niya, naghintay siya ng sign kung sasali pa siya sa nasabing kompetisyon at dumating naman ito via an online audition.

Matapos kantahin ang song niya sa grand finals na “Ngayon at Kailanman”, ang hurado na si Jona ang nagbigay ng komento sa kanya.

“Lyka, you’ve been consistent from the start. Nandoon ‘yung hunger mo talaga para ipanalo ang laban na ito. ‘Yun ‘yung pinakanararamdaman namin sa iyo.

“You really own the stage at from the start ay nakita namin kung paano mo gustong lampasan lahat ng challenges.

“Naramdaman ko ‘yung…actually, kahapon ay napanood ko ‘yung laban Ninyo na parang ang feeling ko, kinda napu-frustrate ka na ang tagal-tagal ng laban para sa iyo pero heto ka ngayon.

“Dapat maramdaman mo na nandoon ‘yung gratefulness na nandito ka ngayong araw na ito.


“Nakatagal ka rito at ‘yun ‘yung isa sa mga hinahangaan ko rin sa iyo, ‘yung burning passion mo. Alam naman naming lahat na ang galing-galing mo at kayang-kaya mong baliin ang mga kanta,” say ni Jona.

Pagkatapos awitin ang “Ngayon at Kailanman” ay binigyan ng standing ovation ng mga huradong sina Erik Santos, Marco Sison, Jed Madela, Nyoy Volante at Jolina Magdangal. Si Erik nga, ayaw pang umupo. Ganyan niya hinangaan si Lyka.

“Kumapit na lang po ako sa Diyos na mabigyan ako ng lakas ng loob na lumaban pa kahit sobrang pagod na. Sobrang unexpected kasi lahat sila magagaling.

Baka Bet Mo: Tawag ng Tanghalan contestant nag-propose sa GF sa live episode ng ‘Showtime’: Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko araw-araw

“Hindi ko po talaga inakala na from the start. Nagdasal na lang ako talaga kung will Niya ibigay,” say ni Lyka.

Dinaig nga ng resbaker mula sa Gensan ang kapwa finalists na sina Nowi Alpuerto (95.1%) at Jezza Quiogue (89.6%) matapos makamit ang total combined score na 98.9% .

Nag-uwi si Lyka ng isang milyong piso, bagong house and lot mula sa Camella, isang recording contract sa ilalim ng Star Music, management contract sa ilalim ng Polaris ng Star Magic at isang Toym Imao trophy.

Naging mahigpit man ang labanan, nasungkit ng ginintuang tinig ni Lyka ang puso ng mga huradong na sina Gary Valenciano, Darren, Jona, Klarisse, Erik Santos, Nyoy Volante, Jolina Magdangal, Jed Madela, Marco Sison, and Louie Ocampo matapos niyang mapabilib ang mga ito sa kanyang medley ng mga kanta ni Jessie J.

Labis na kinapitan naman ng manonood ang nasabing tapatan kaya naman napunta ang hashtag nito na #TNT6AngHulingTapatan sa listahan ng Twitter trending topics worldwide.

Sa Lunes, abangan ang bagong bihis ng “TNT” na tatawaging “Tawag ng Tanghalan Duets” kung saan pares-pares ang laban at dalawang pangmalakasang boses ng mga Pilipino ang bibida.

2 contestant sa Pinoy Henyo na inakusahang nandaya lumantad na: ‘Pasensya na po kung sa tingin n’yo may pandarayang naganap’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique kay Liza: Feeling ko mananalo ‘yan pag sumali sa Miss Universe!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending