Enrique kay Liza: Feeling ko mananalo 'yan pag sumali sa Miss Universe! | Bandera

Enrique kay Liza: Feeling ko mananalo ‘yan pag sumali sa Miss Universe!

Reggee Bonoan |July 15,2021
facebook
share this

Enrique kay Liza: Feeling ko mananalo ‘yan pag sumali sa Miss Universe!

Reggee Bonoan - July 15, 2021 - 10:07 AM

PAREHONG hurado ang mag-sweetheart na Liza Soberano at Enrique Gil sa katatapos na Binibining Pilipinas 2021 na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Linggo, Hulyo 11.

Sinabi ng Kapamilya aktor na pangarap din niyang maging beauty queen ang kanyang girlfriend.

Base sa kuwento ng manager ng dalawa na si Ogie Diaz (mapapanood sa kanyang Showbiz Update YouTube channel) ay may pressure na naman daw kay Liza dahil may nagtatanong kung “sasali ba siya sa (Binibining Pilipinas), e nag judge na siya?”

“Kaya tinanong ko ulit si Liza, pero actually nauna kong tanungin si Quen kung anong feeling niya na nag-judge siya at habang nanonood ba siya sa entablado ay nai-imagine niya na isa sa mga kandidata ay si Liza?

“Nakikita ko nga (Liza), ‘anong number mo nga ulit Baby? Number ano ka ba diyan?” tanong ni Enrique sa aktres.

Dagdag pa ng binata, “Sabi ko sa kanya (Liza), ikaw talaga ang Binibini ko.”

Kaso ayaw talagang sumali ng aktres sa nasabing beauty contest. “Ayaw nga, eh,” tugon ng boyfriend ng dalaga. “Okay na ‘yun sige, baka Miss Universe (sasalihan Binibining Pilipinas Universe). Baka Miss Universe next year. Hindi joke lang!”

“Ano ba B (tawag niya sa dalaga)?  Miss Universe? Feeling ko mananalo ‘yan pag sumali!  Naku, wala ng competition, wala na,” tumatawang sabi ni Enrique.

At si Liza naman ang tinanong ni Ogie kung ano ang pakiramdam ng dalaga na naging hurado siya sa Binibining Pilipinas 2021.

“Nakakaawa kasi ang daming magagaling, there’s so many girls to choose from and and it’s hard because you can just base on their looks, di ba? It’s the complete package on how they talk, on how they walk, the way they carry themselves, so, it’s really hard,” pahayag ng aktres.

Sa tanong ni Ogie kung may plano si Liza na sumali sa beaucon dahil pangarap din ito ng tatay ng dalaga. Napangiti muna ang aktres, “My dad is funny. No, I really appreciate all the support and the kind words but I don’t think pageantry is for me, I’d rather be behind the scenes.

“I’d rather judge maybe. I don’t think I can commit to that (kind) of lifestyle unless it’s sport and you have to be dedicated and passionate. And it’s something that I can alot so much time,” paliwanag ni Liza.

Hayan, for the nth time ay muling sinabi ng aktres na hindi siya sasali sa anumang beauty contest dahil mas type niyang nasa likod lang siya ng camera.

Sabi rin ng manager ng dalaga, “Hindi talaga siya sasali, wala sa kamalayan niya, natutuwa si Liza na siya’y itinutulak (sumali) pero hindi nga para sa kanya ‘yun.”

Samantala, umabot sa 27.8k likes ang larawang ipinost ni Ogie sa kanyang Instagram account na magkasama sina Liza at 2018 Miss Universe Catriona Gray na isa sa host sa Binibining Pilipinas 2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang caption ni Ogie, “Ganda nila grabe! @lizasoberano and @catriona_gray #bbpilipinas2021.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending