Claudine Barretto wala nang balak magpakasal ulit: ‘I already gave my promise to my ex-husband’
HINDI na mag-aasawa ang aktres na si Claudine Barretto.
‘Yan ang inihayag niya sa naging panayam sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” noong May 5.
Ayon kay Claudine, nais niyang mag-focus sa pagiging ina at matutukan ang pag-aalaga sa kanyang mga anak.
Bukod din diyan ay nangako siya sa kanyang estranged husband na si Raymart Santiago.
Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “You will not marry again? [Why]?”
Mabilis na sagot ni Claudine, “No. I think I already gave my promise to my ex-husband and I think that’s enough.”
“I mean, I have my children—I have four. Parang that alone takes so much of my time, my energy, my strength so I will focus on that,” paliwanag niya.
Nabanggit din niya na naging inspirasyon niya ay ang kanyang ina na si Inday sa kabila ng mga paghihirap na pinagdaanan nito.
Baka Bet Mo: Claudine Barretto maayos ang relasyon sa mga kapatid na sina Marjorie at Gretchen, proud na proud kay Julia
“What I learned from my mom is that once you become a mother, once you bear children, your life is not yours anymore,” chika ng aktres.
Dagdag pa niya, “Your life becomes your children’s lives. It’s something that you have to devote your life and time to.”
Matatandaan noong 2002 nang maging mag-dyowa sina Claudine at Raymart.
Makalipas ang dalawang taon ay lihim na nagpakasal ang dalawa na naganap sa Isabela.
Nagpakasal ulit ang dalawa noong 2006 na naganap naman sa Tagaytay City at matapos ang isang taon ay biniyayaan sila ng anak na si Santino.
Noong 2013 naman nang kinumpirma ni Claudine na hiwalay na sila ni Raymart.
Bago si Raymart, naging karelasyon din ng premyadong aktres sina Mark Anthony Fernandez, at ang yumaong si Rico Yan.
Related Chika:
Piolo, Shaina magdyowa na raw, sweet na sweet sa Bohol; naka-double date sina Jodi at Raymart?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.