Claudine dadalhin hanggang kamatayan ang sinabi ni Judy Ann noong lumipat siya sa GMA at iwan ang ABS-CBN
HINDING-HINDI makakalimutan ng aktres at celebrity mom na si Claudine Barretto hanggang kamatayan ang tinaguriang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.
Noong dekada ’90 sina Juday at Clau ang talagang pinagsasabong ng mga fans at silang dalawa ang itinuturing na mahigpit na magkalaban pagdating sa pag-arte sa telebisyon at pelikula.
Ngunit knows n’yo ba na never nagkaroon ng isyu o hindi pagkakaintindihan sa pagitan nina Juday at Claudine kahit na pilit silang pinag-aaway ng mga fans?
Nagkuwento si Claudine sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, May 5, tungkol sa friendship nila ni Judy Ann na tumatakbo na ngayon ng ilang dekada.
Simulang chika ni Clau, tandang-tanda pa niya kung paano sila pinagbawalan noon ng yumaong manager ni Judy Ann na si Alfie Lorenzo na makita silang magkasama dahil sa kanilang rivalry.
“You know, Judy Ann and I, people think we don’t get along, we never got along. But in truth is that even nu’ng debut niya (May, 1996) right after, I remember that was a Sunday and everything was closed, the after-party was in my condominium,” pagbabahagi ni Claudine.
Dugtong pa niya, “Ang dami naming pinagdaanan ni Judy Ann. It’s just that during that time, we couldn’t… kumbaga, para kaming mag-boyfriend-girlfriend ni Judy Ann.
Baka Bet Mo: Juday titigil muna sa pag-arte: ‘Hinihingi na ng katawang-lupa ko ang magpahinga, ramdam ko na ‘yung tanda ko’
“Bawal kaming makita sa labas kasi ayaw ni Tito Alfie. Kasi dapat daw ala-Nora-Vilma. Parang ganyan,” sey pa ng aktres.
Naichika rin niya na noong nag-ober da bakod siya sa GMA 7 at iwan ang ABS-CBN (November, 2009) ay isa si Juday sa mga nagsalita at nagtanggol sa kanya mula sa mga taong nagkomento ng masasama at masasakit.
Aniya, hanggang kamatayan ay dadalhin niya ang sinabi ni Juday sa isang panayam, “I would never forget what Judy Ann did to me, that’s why she is who she is. Judy Ann Santos is Judy Ann Santos.
“At my lowest point, when I also transferred from Channel 2 to Channel 7, in one of her interviews, they said that she’s the Teleserye Queen. And she said ‘No. Claudine and I share this title.’
“I will never forget that moment ’til the day I die. And our dream is to be able to do a movie together.
“And I will be forever grateful for Judy Ann Santos…and queen supports queens,” ang sey pa ni Claudine sa panayam ni Tito Boy.
Related Chika:
Tim Connor walang balak dalhin sa Pilipinas ang anak kung magkakaroon siya: Absolutely not!
Kim Atienza walang takot sa kamatayan, sa langit raw ang punta kapag pumanaw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.