Pop superstar Kesha may ‘patikim’ sa bagong album, naglabas ng 2 bagong single
MAKALIPAS ang tatlong taon, maglalabas na ng bagong album ang international pop superstar na si Kesha!
Pinamagatan itong “Gag Order” na mapapakinggan na sa darating na May 19 under Kemosabe/RCA Records.
Pero bago ‘yan, dalawang bagong single na mula sa upcoming album ang inilabas ngayon ng singer para lalong ma-excite ang fans.
Ito ang “Fine Line” na tungkol sa mga pagbabago na nangyayari sa buhay, at ang “Eat The Acid” na sumasalamin naman sa naging realizations niya sa kanyang buhay.
Kwento ni Kesha, isinulat niya ang kantang “Eat The Acid” sa kasagsagan ng kanyang spiritual awakening noong siya ay naka-isolate dahil sa COVID-19.
“This night sent me like a rabid animal into a journey of self-discovery within my consciousness…My ego, or sense of aloneness, now suddenly felt like just a small part of the whole,” sey niya sa inilabas na pahayag ng Sony Music.
Ani pa ng singer, “My ego felt dismantled…I woke up the morning after this experience and wrote the first song for this album, the seed and catalyst for the whole project.”
Baka Bet Mo: Miley Cyrus maglalabas ng bagong single after 3 years, fans abangers na: ‘Finally! She’s back!’
Chika pa niya, “My mom warned me at a very young age to not take acid. She told me how she had taken some as a teen and it had shown her so much…too much.”
“I made it a point to never, ever touch it. I still haven’t. I didn’t want to see it all. I wanted to live blissfully unaware and happy,” sambit ni Kesha.
Ayon pa kay Kesha, ang album na “Gag Order” ay tungkol sa kanyang self-discovery at mga aral na kanyang natutunan upang tanggapin ang pangit at nakakatakot na bahagi ng kanyang sarili.
Sikat si Kesha sa mga hit songs na “TiK ToK,” “Your Love Is My Drug,” “Die Young” at “Timber.”
Related Chika:
Bong tinawag na ‘superstar’ si Sanya: Pero sa totoo lang hindi ko pa rin po siya napi-feel
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.