PAGASA: LPA mataas ang tsansa na maging bagyo, tatawaging ‘Betty’
INAASAHAN na magiging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa Visayas.
Ayon sa press briefing ng PAGASA ngayong May 4, sakaling maging ganap na bagyo ang LPA ay tatawagin itong “Betty.”
“Base po sa Tropical Cyclone Threat Potential, inaasahang kikilos pa-kanluran ang nasabing Low Pressure Area kaya meron po tayong moderate to high chance na maging isang Tropical Depression ito o mahinang bagyo,” sey ni Weather Specialist Benison Estareja.
Dagdag pa niya, “Kung sakasakali po ay bibigyan natin ito ng pangalan na ‘Betty’ o ‘yung magiging pangalawang bagyo for 2023.”
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sama ng panahon sa may bahagi ng Palawan kaya ito raw ay nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
“As of 3 in the morning, ang Low Pressure Area ay namataan 130 kilometers Timog-silangan ng Cuyo, Palawan at nagpapa-ulan pa rin po sa bahagi ng Southern Luzon, Visayas and Mindanao,” sambit sa presscon.
Baka Bet Mo: PAGASA: 10 hanggang 14 na bagyo ang aasahan sa bansa ngayong taon
“Patuloy pa ring naka-embed o nakapaloob ‘yung Low Pressure Area doon sa tinatawag na ‘Intertropical Convergence Zone’ or ITCZ,” dagdag ni Estareja.
Paliwanag pa niya, “Ito ‘yung linya kung saan nagtatagpo ang magkabilang hangin ng ating globo at nagpapaulan pa rin doon sa silangang parte po ng Mindanao.”
Bagamat, may bagyong aasahan sa ating bansa ay asahan pa rin ang mainit na panahon na dulot naman ng Easterlies.
Sey ng PAGASA, “Samantala, patuloy pa rin ang epekto ng mainit at maalinsangang Easterlies o ‘yung hanging galing sa Pacific Ocean sa northern at central Luzon, kabilang ang Metro Manila.”
Nang dahil sa LPA, makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Romblon, Masbate, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Uulanin din ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil naman sa epekto ng Easterlies at localized thunderstorms.
Read more:
Viral na: Ang Panday, Betty La Fea agaw-eksena sa pag-ariba nina Spider-Man at Doctor Strange
Tag-init na panahon nagsimula na, inaasahang tatagal hanggang May –PAGASA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.