Viral na: Ang Panday, Betty La Fea agaw-eksena sa pag-ariba nina Spider-Man at Doctor Strange | Bandera

Viral na: Ang Panday, Betty La Fea agaw-eksena sa pag-ariba nina Spider-Man at Doctor Strange

Ervin Santiago - January 11, 2022 - 01:56 PM

BENTANG-BENTA ngayon sa mga netizens ang viral parody posters na kinopya mula sa latest “Spider-Man” film na pinagbibidahan ni Tom Holland.

Bumibida ngayon ang karakter ni Flavio mula sa classic Pinoy action-fantasy movie na “Ang Panday” sa mala-“No Way Home” poster na ginawa ng isang netizen.

Bukod dito, agaw-eksena naman ang sikat na karakter ni Betty La Fea sa paandar na meme ng isa pang netizen gamit ang “Multiverse of Madness” inspired by the upcoming “Doctor Strange” sequel.

Pinusuan at umani ng sandamakmak na likes at comments ang mga nasabing posters mula sa malilikot na imahinasyon ng mga Pinoy.

At yan ay dahil nga sa “Spider-Man: No Way Home” fever sa iba’t ibang panig ng mundo na sa kabila nga ng patuloy na banta ng pandemya ay pinanood pa rin ng mga Pinoy sa mga sinehan.

Patok na patok nga ngayon sa mga Marvel fans ang pagsasama-sama ng tatlong Hollywood stars na gumanap na Spider-Man sa “No Way Home”.

Hanggang ngayon ay hot topic pa rin ang special appearance nina Tobey Maguire at Andrew Garfield sa “Spider-Man: No Way Home” ni Tom Holland na nagsanib-pwersa nga bilang Peter Parker/Spider-Man.

At sa pasabog na version nga ni Jimbert Ouch sa social media, makikita ang mga Pinoy actor na gumanap na Flavio sa “Ang Panday” (likha ni Carlo J. Caparas) sa isang poster.

Ilan sa mga makikita sa viral poster ay sina late Action King Fernando Poe, Jr., ang kauna-unahang bumida sa “Ang Panday” na sinundan naman ni Sen. Bong Revilla.


May kanya-kanya ring version bilang Flavio sina Joey de Leon, Phillip Salvador, Jericho Rosales, Richard Gutierrez at Coco Martin. Ang isa pang bumida sa remake ng “Ang Panday” ay si Jinggoy Estrada.

Samantala, napagtripan din ng mga netizens na gawan ng parody poster ang isa sa pinakasikat na serye sa iba’t ibang bahagi ng mundo na may titulong “Betty La Fea in the Multiverse of Madness” na kinuha nga mula sa bagong version ng “Doctor Strange.”

Unang umere ang original version nito mula sa Colombia noong 1999, ang ““Yo soy Betty, La Fea” na sinundan nga ng napakaraming  adaptations all over the world  kabilang na ang Pinoy remake nito na “I Love Betty La Fea” noong 2009 na pinagbidahan ni Bea Alonzo.

Sa nasabing viral poster na ginawa ni JP Ocampo, bukod kay Bea, naroon din sina Ana Maria Orozco at America Ferrera, ang original at American actresses of “Betty”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/301543/kasalanan-ba-ni-spider-man-kaya-mahina-ang-mga-pelikulang-ka-join-sa-2021-mmff
https://bandera.inquirer.net/293201/lovi-matagal-nang-pangarap-maging-action-star-i-love-to-do-ang-panday-as-a-woman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending