Payo ni Xian Gaza sa Gen Z: 'Huwag ka muna magjowa at magpakabaliw sa lovelife, focus ka muna sa paggawa ng pera!' | Bandera

Payo ni Xian Gaza sa Gen Z: ‘Huwag ka muna magjowa at magpakabaliw sa lovelife, focus ka muna sa paggawa ng pera!’

Ervin Santiago |May 04,2023
facebook
share this

Payo ni Xian Gaza sa Gen Z: ‘Huwag ka muna magjowa at magpakabaliw sa lovelife, focus ka muna sa paggawa ng pera!’

Ervin Santiago - May 04, 2023 - 03:49 PM

Payo ni Xian Gaza sa Gen Z: 'Huwag ka muna magjowa at magpakabaliw sa lovelife, focus ka muna sa paggawa ng pera!'

IN FAIRNESS, may point ang latest Facebook post ng Pambansang Marites na si Xian Gaza patungkol sa mga kabataang maagang nagkakaroon ng sariling pamilya.

Nagpaalala ang social media personality sa lahat ng mga Pinoy, partikular na sa mga Gen Z, na huwag munang magdyowa at makipagrelasyon hangga’t hindi pa financially stable.

Ayon pa kay Xian, kapag nakakita o nakahanap ng pagkakataon at kung may sapat na ipon, mag-travel nang mag-travel dahil iba rin ang epekto nito sa mental health ng isang tao.

Iniugnay pa niya ang pagta-travel sa paghahanap natin ng “the one”, “There are 4 billion women and 4 billion men in the world.

Baka Bet Mo: Xian Gaza ayaw tantanan si Ali Khatibi: ‘May pa-couple tattoo with her present GF! Ang sweet nemen! Sene ell!’

“The reason kung bakit hindi mo pa nami-meet yung ‘The One’ mo kasi hindi ka nagta-travel. The reason kung bakit palagi kang napupunta sa maling tao kasi hindi ka nagta-travel,” sey ng kontrobersyal na socmed personality.

Pagpapatuloy pa ni Xian, “Hindi mo pa nare-realize kung gaano ba talaga kalaki yung mundo na maaari mong galawan. Nakakulong ka pa sa isang kahon na iyong kinasanayan sa loob ng dalawang dekada.

“Kung ikaw ay isang Generation Z, ito ang mapapayo ko sayo. Huwag ka muna mag-jowa. Stay single. Huwag kang magpakabaliw sa love life. Mag-focus ka muna sa paggawa ng pera.

“Kapag marami ka ng pera, huwag mo itong ibili ng materyal na bagay. Gastusin mo lahat ito sa international travel. Yung ambag ng pagta-travel sa iyong pagkatao ay walang katumbas na halaga,” ang advice pa ni Xian.

Ang paniniwala pa niya, “Travel will save you from depression. Travel will bring you to the best version of yourself. Travel will give you genuine happiness.

“Yung niregalo sayo 3 years ago ay hindi mo na maalala pero yung travel niyo 10 years ago ay nakatatak pa rin hanggang ngayon sa iyong isipan. Tama? Travel mga kapatid!” ang mariing pahayag pa ni Xian Gaza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Xian Gaza umalma sa balitang isa siyang ‘klepto’: That’s not me, 100% fake news

Andrea may paalala sa mga Gen Z; Kyle nagpaalam kay Francine bago pumasok sa PBB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending