Pasaway at maangas na aktor buking ng mga katrabaho, feeling gwapo pero nang pawisan nang todo umalingasaw ang baho | Bandera

Pasaway at maangas na aktor buking ng mga katrabaho, feeling gwapo pero nang pawisan nang todo umalingasaw ang baho

Reggee Bonoan |May 03,2023
facebook
share this

Pasaway at maangas na aktor buking ng mga katrabaho, feeling gwapo pero nang pawisan nang todo umalingasaw ang baho

Reggee Bonoan - May 03, 2023 - 06:06 PM

Aktor buking ng mga katrabaho, feeling gwapo pero nang pawisan nang todo umalingasaw ang baho

MUKHANG malabo nang makuha ng kilalang aktor ang amor ng media dahil markado na siya ngayon at alam na ang tunay niyang ugali.

Naihambing kasi ang kilalang aktor sa ibang sikat na aktor na hanggang ngayon ay mahal ng press dahil kahit matagal na hindi nagkikita ay nakakakilala pa rin at sila pa mismo ang lumalapit para mag-“hello” at mangumusta.

Tulad ng premyadong aktor na napakarami ng awards na natanggap hanggang sa ibang bansa ay mananatiling humble at laging nakangiti kapag nagbibigay-pugay sa taga-media.  Naniniwala kasi siya na malaki ang naitulong ng entertainment press sa maganda niyang career hanggang ngayon.

Sinundan din ng isa pang sikat na aktor na uhugin pa yata ay nasubaybayan na rin ang maganda niyang career na kahit matagal din siyang nawala noon hanggang sa nakabalik at nagkaroon ng maraming karelasyon ay mahal pa rin ng press.

Kasi naman kilala ang ugali ng sikat na aktor na malambing, marunong makisama, laging naglalaan ng oras sa panayam at hindi nagmamadali o may tagahawi kaya naman super love siya ng press people.

Bale ba ang mga sikat na aktor na ito ay wala pa sa level ng kilalang aktor kaya naloloka ang entertainment press sa kanya dahil feeling sikat, feeling guwapo, feeling magaling at paimportante.

Baka Bet Mo: Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl

Kapag may event ay nagtatanong ang kilalang aktor kung kumpleto na ang media bago siya bumaba ng sasakyan dahil ayaw niyang tumatambay muna bago magsimula ang event. Hindi niya kasi type ang nakikipagtsikahan sa press people dahil katwiran niya ay hindi naman siya close.

“Halatang put on lang si ____ (kilalang aktor) kapag magkikita kayo sa event, babati naman, pero alam mong pilit kasi may presscon. Pero pagkatapos wala na, dedma na,” sey ng kasamahan namin sa trabaho.

Ganito rin ang naging problema sa kilalang aktor ng dati niyang talent management kaya nga hindi nila ni-renew at nabunutan daw sila ng tinik dahil napakaraming demands at higit sa lahat dapat lagi siyang inuuna.

Naalala tuloy namin ang kuwento ng mga naka-work ng kilalang aktor na hindi ito sumasabay kumain sa co-actors niya dahil nandoon siya sa sarili niyang standby area at may sariling set menu.

“Feeling mabango pero nu’ng naghubad ng shirt dahil pawisan na, may amoy pala siya, ang dyoho (mabaho),” kuwento sa amin ng mismong PA niya.

Tsinek namin kung may awards na ang kilalang aktor, mayroon naman pero iilan lang kumpara sa dalawang sikat na aktor na marunong makisama at magpahalaga sa mga taga-media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Aktres na pilit itinatago ang pagkakaroon ng anak, huling karga karga ang kanyang baby

Kilalang aktres idinemanda ng super rich na katrabaho matapos tamaan ng ‘lumilipad’ na sapatos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending