Kathryn nasalo ang bouquet of flowers sa kasal ni Cathy Molina, Daniel inulan ng tukso...sila na raw ang susunod: 'Bukas na bukas din!' | Bandera

Kathryn nasalo ang bouquet of flowers sa kasal ni Cathy Molina, Daniel inulan ng tukso…sila na raw ang susunod: ‘Bukas na bukas din!’

Ervin Santiago |May 03,2023
facebook
share this

Kathryn nasalo ang bouquet of flowers sa kasal ni Cathy Molina, Daniel inulan ng tukso…sila na raw ang susunod: ‘Bukas na bukas din!’

Ervin Santiago - May 03, 2023 - 01:08 PM

Kathryn nasalo ang bouquet of flowers sa kasal ni Cathy Molina, Daniel inulan ng tukso...sila na raw ang susunod: 'Bukas na bukas din!'

INULAN ng tukso ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang dumalo sila sa beach wedding ni Direk Cathy Garcia kahapon, May 2.

Si Kathryn kasi ang nakasalo ng bouquet of flowers na ibinato ni Direk Cathy sa wedding reception nila ng kanyang groom, ang cinematographer na si Louie Sampana.

Mapapanood sa isang video na kuha sa naganap na kasalan ang pagsalo ni Kathryn sa bulaklak kung saan maririnig ang boses ng boyfriend niyang si Daniel na na nag-dialogue na pwede silang magpakasal bukas na bukas din.

Kasunod nito, mas lumakas pa ang sigawan at palakpakan ng mga bisita nang si Daniel naman ang makasalo ng wedding garter na inihagis ng groom.

Sa video na ipinost ngayong araw ng kaibigan ng KathNiel na si Janus Del Prado sa Instagram, makikita ang mga kaganapan sa beach wedding ni Direk Cathy kung saan dumalo rin sina Ian Veneracion, Alden Richards, Joross Gamboa at Jeffrey Tam.

Baka Bet Mo: Paolo Contis nagulat nang biglang i-bash ng fans ni Kathryn Bernardo: It was taken out of context

“Best wishes Direk Cathy and Papi Louie!” ang caption na isinulat ni Janus sa kanyang IG post.

Sa isang bahagi ng video ay makikitang hawak na ni Kathryn ang nasalong bridal bouquet habang unti-unting inilalagay ni DJ ang wedding garter sa binti nito.

Maririnig si Joross na tinutukso si Daniel na i-push pa ang garter sa hita ni Kathryn pero tumanggi na ito at nagsabing, “Conservative ako, pare.”

May napanood din kaming video na ni-repost ng isang KathNiel fan account (@ching_dee_) kung saan tinukso rin ng isang guest sina Kath at DJ, “DJ, nakuha. Paano ba ‘yan?”

Na agad namang sinagot ng aktor ng, “Bukas na bukas din.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Direk Cathy Garcia Molina natupad na ang pangarap na mapasama ang pelikula sa MMFF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending