Martin del Rosario umamin: 'Hindi ko talaga alam na kapag tinanggal 'yung starfish sa water, mamamatay sila' | Bandera

Martin del Rosario umamin: ‘Hindi ko talaga alam na kapag tinanggal ‘yung starfish sa water, mamamatay sila’

Ervin Santiago |May 02,2023
facebook
share this

Martin del Rosario umamin: ‘Hindi ko talaga alam na kapag tinanggal ‘yung starfish sa water, mamamatay sila’

Ervin Santiago - May 02, 2023 - 07:14 AM

Martin del Rosario umamin: 'Hindi ko talaga alam na kapag tinanggal 'yung starfish sa water, mamamatay sila'

Martin del Rosario

TANGGAP ng Kapuso actor na si Martin del Rosario ang nagawa niyang pagkakamali nang magpa-picture siya ng may mga starfish sa kanyang dibdib.

Paglilinaw ni Martin, hindi naman daw talaga niya alam na mali ang kanyang ginawa kaya naman agad niyang tinanggal sa social media ang ipinost niyang picture.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa guesting ng binata sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, nabanggit niya na talagang grabe ang natanggap niyang hate comments mula sa mga netizens nang dahil sa kanyang “starfish pictorial.”

In-upload ng binata ang kanyang starfish photo sa Facebook at Instagram last March 2, at agad ngang nag-viral sa socmed na umani ng sandamakmak na negative comments.

“Hindi ko talaga alam na pag tinanggal ‘yung starfish sa water, mamamatay sila,” simulang pagbabahagi ni Martin.

Baka Bet Mo: #MayAsimPa: Andrea del Rosario game na game pa rin sa love scenes, certified hot mama sa edad na 44

Kuwento pa ng Kapuso actor at isa sa mga cast members ng “Voltes V: Legacy”, nag-eenjoy lang daw siya that time sa beach nang makita niya ang isang grupo mga foreigners na pinaglalaruan ang mga starfish sa dagat.

At nang mag-alisan na raw ang mga turista, naisipan niyang puntahan ang mga starfish, “Nakita ko ‘yung starfish, nagandahan ako, nilagay ko sa katawan ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Martin del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)


“Nag-picture ako (kasama ang mga starfish sa katawan ko) for around two minutes.

“Hindi ko talaga alam (na mali yung ginawa ko). And gusto ko magpasalamat sa mga nag-inform sa akin at nag-educate sa akin,” paliwanag ng binata.

Para sa mga netizens naman na nam-bash at nanghusga agad sa kanya, “Doon naman sa mga nag sespread ng hate, hindi talaga ako pumapatol.”

Sabi pa ni Martin, feeling daw niya ay talagang lapitin siya ng mga bashers, “Hindi ko nga alam bakit.”

Martin del Rosario basag na basag sa netizens matapos mag-picture kasama ang mga starfish: ‘Tangahan mo pa!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wish ng nanay ni Vice: Sana magka-baby ka para may tagapagmana ng naipundar mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending