Rhian umani ng papuri sa 'alopecia' episode ng 'Royal Blood', dasurved mag-best actress; huling laban ni Voltes V nakakaiyak | Bandera

Rhian umani ng papuri sa ‘alopecia’ episode ng ‘Royal Blood’, dasurved mag-best actress; huling laban ni Voltes V nakakaiyak

Ervin Santiago - September 05, 2023 - 07:40 AM

Rhian umani ng papuri sa 'alopecia' episode ng 'Royal Blood', dasurved mag-best actress; huling laban ni Voltes V nakakaiyak

Rhian Ramos

LALO pang hinangaan ng mga Kapuso viewers ang high-rating primetime series na “Royal Blood” ni Dingdong Dantes dahil sa episode nito tungkol sa alopecia noong September 1.

Very timely naman ang pag-ere nito dahil ngayong buwan ginugunita ang Alopecia Areata Awareness Month na nakasentro sa autoimmune disease na dahilan ng pagkaubos ng buhok ng isang pasyente.

Nitong nagdaang Biyernes, na-reveal sa “Royal Blood” na may alopecia pala ang karakter ni Rhian Ramos na si Margaret.

Kasunod ng matinding plot twist at pasabog na performance ni Rhian, muli na namang umani ng papuri ang serye mula sa netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)


Talagang pinuri-puri ng manonood at mga netizens ang akting ni Rhian sa nasabing episode na deserving daw makagetsing ng best actress award.

Komento ng isang manonood, “Deserve ni Rhian Ramos ng Best Actress award! Sobrang solid ng acting. Grabe nakakadala ang iyak ni Margaret! Magaling silang lahat! Bagay sa kanila ang roles ng bawat isa.

“This is the only drama series na pwedeng ipangtapat sa K-Drama. ‘Yung plot twist, characters at events, sobrang husay!

Baka Bet Mo: Mikael, Megan enjoy na enjoy gumanap bilang mag-asawa sa ‘Royal Blood’, pero ibang-iba raw sila sa tunay na buhay

“More series sana na gaya nito. Hindi siya typical storyline na mahuhulaan mo agad ‘yung next move at plot,” aniya pa.

Subaybayan ang “Royal Blood,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad at Pinoy Hits, habang 10:50 p.m. naman sa GTV.

* * *

The final battle for liberation is here! Kaya huwag nang bibitiw sa ultra electro magnetic finale ng “Voltes V: Legacy” sa September 8!

Magtatagumpay kaya ang Earth’s last line of defense o tuluyan nang matatalo ng Boazanians ang Voltes V?

Mixed emotions naman ang diehard fans para sa finale week ng live-action adaptation na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at marami pang iba.

May mga nase-sepanx, habang mayroon din namang excited sa mga sorpresang hatid ng high-rating primetime series.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Komento ng isang netizen sa “Voltes V: Legacy” Facebook page, “It’s all set for the final showdown para sa labanan ng Boazanians at para wasakin sina Heneral Oslak at Prinsipe Zardoz!

“Excited na akong makita ang volt-in sa space! Naiiyak na ako sa pagtatapos nito hindi pa ako ready! Good work, GMA! I wouldn’t mind watching this masterpiece again,” sabi pa ng netizen.

Tutukan ang huling linggo mg “Voltes V: Legacy,” 8 p.m. sa GMA Telebabad, at abangan kung ano ang magiging ending ng journey ng Voltes Team.

Vocalist ng The Juans lumalaban sa alopecia: Sa lahat ng meron nito, I see you, I feel you, you’re not alone…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryan Agoncillo na-diagnose ng alopecia sa edad 17, nagpaturok ng steroids

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending