Megan 'queen inspiration' ni Rabiya, pero mortal na magkaaway sa Royal Blood: 'Yung challenge du'n, paano ko siya tataasan, e, idol ko nga siya' | Bandera

Megan ‘queen inspiration’ ni Rabiya, pero mortal na magkaaway sa Royal Blood: ‘Yung challenge du’n, paano ko siya tataasan, e, idol ko nga siya’

Ervin Santiago |July 16,2023
facebook
share this

Megan ‘queen inspiration’ ni Rabiya, pero mortal na magkaaway sa Royal Blood: ‘Yung challenge du’n, paano ko siya tataasan, e, idol ko nga siya’

Ervin Santiago - July 16, 2023 - 07:35 AM

Megan 'queen inspiration' ni Rabiya, pero mortal na magkaaway sa Royal Blood: 'Yung challenge du'n, paano ko siya tataasan, e, idol ko nga siya'

Rabiya Mateo at Megan Young

UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rabiya Mateo na ang idol na idol niyang beauty queen noon ay “mortal na kaaway” na niya ngayon.

Ang tinutukoy namin ay ang kauna-unahan at nag-iisa pa lamang na Miss World ng Pilipinas na si Megan Young (kinoronahan siya noong 2013).

Pero ang pagiging magkaaway nina Rabiya at Megan at hindi naman pang-true to life, ha! Nagtatarayan at nagpapaistaran ang dalawang Kapuso actress sa hit Kapuso primetime series na “Royal Blood” na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


Ayon kay Rabiya, si Megan ang nagsilbing inspirasyon sa pagsali niya sa Miss Universe Philippines 2020. Dati pa raw niya hinahangaan ang wifey ni Mikael Daez pagdating sa pagiging beauty queen.

At ngayon nga, parang nananaginip pa rin siya dahil katrabaho na niya ang kanyang idol sa isang serye.

“Actually, si Megan Young talaga at hindi ko naman ikinakaila sa lahat na she’s been my queen inspiration talaga ever since,” sey ni Rabiya sa panayam ng GMA.

“So, working with her as a fan, gusto ko ‘yung dynamics namin kasi ‘yung role ko bilang Tasha at siya bilang Diana nagpapataasan. So ‘yung challenge doon, paano ko siya tataasan, e, idol ko nga siya.

Baka Bet Mo: Dingdong sa mga babaeng contestant na ‘lumalandi’ sa kanya sa Family Feud: ‘Hindi ko naman napapansin, basta ang gusto ko manalo sila’

“Pero Megan, she’s very generous with her ideas even kahit wala pa kami sa set she would throw lines.

“She would help me with my script, kung ano ‘yung dapat kong gawin, ano ‘yung dapat kong iwasan. So I guess, it was also the chemistry,” chika pa ng leading lady ni Dingdong sa “Royal Blood.”

Dagdag pa ng dalaga, “And excited ako sa mga scenes namin na padating kasi ‘yung mga tao naloloka, tinginan pa lang namin, kaunting away pa lang namin. Paano pa kaya kapag nagpisikalan na kami ni Megan Young?”

Nagkuwento rin si Megan tungkol sa naging chikahan nila ni Rabiya hinggil sa paghanga nito sa kanya, “Rabiya and I have talked about this. And she was so sweet and so cute when she made kuwento about how she messaged me on Twitter years back.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)


“Parang college ka ba o high school ka nu’ng time na ‘yun? Na minessage niya raw ako sa Twitter and tapos ako raw ‘yung unang nag-reply raw sa kanya,” pagbabahagi ni Megan.

“Tapos sobrang sweet ng interaction and then I said, ‘Can you believe that we’re actually working together?’ And it’s really funny how… where life takes you ‘di ba?

“You didn’t know you’d be on this spot. But I mean, to be fair, I was also in Rabiya’s position before when I joined StarStruck so para siyang nag-360 e’.

“I don’t know, it’s pretty cool. It’s pretty cool to see where life has taken her na from being somebody na who would just watch a TV show now she’s the one starring in a primetime show in GMA.

“Malay mo Rabiya there might be somebody out there that’s messaging you on Instagram tapos maka-work mo rin siya in the future,” chika pa ni Megan.

Bukod kina Rabiya, Megan at Dingdong, kasama rin sa pinag-uusapang suspenserye ng GMA na “Royal Blood” sina Tirso Cruz III, Mikael Daez, Rhian Ramos, Dion Ignacio at marami pang iba. Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Robin nagbigay ng update sa health condition: Pinag-stress test ako at may nakita sila…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mikael, Megan enjoy na enjoy gumanap bilang mag-asawa sa ‘Royal Blood’, pero ibang-iba raw sila sa tunay na buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending