Robin nagbigay ng update sa health condition: Pinag-stress test ako at may nakita sila…
WALA nang masyadong dapat ipag-alala at ikabahala ang mga nagmamahal at sumusuporta kay Sen. Robin Padilla kaugnay ng kanyang health condition.
Balik na nga sa pagtatrabaho sa senado ang aktor at public servant matapos sumailalim sa heart procedure last weekend sa Asian Hospital.
Naalarma ang mga tagasuporta ni Robin nang mag-post ang kanyang wifey at TV host na si Mariel Padilla sa kanyang Instagram account ng mga litrato na kuha sa loob ng ospital kung saan naka-confine ang senador.
Sa kanyang Facebook account nitong nagdaang Lunes, nagbahagi naman si Robin ng ilang litrato kung saan makikita na busy na uli siya sa pagtatrabaho sa senado.
Sa isa naman niyang Facebook video, nag-explain ang mister ni Mariel na pagkauwi nila sa Pilipinas mula sa Spain, sumailalim agad siya sa series of tests at pinayuhan nga ng mga doktor na kailangan niyang magpa-angiogram.
Ayon sa isang health website, “Angiogram is a diagnostic procedure that uses X-ray images to look for blockages in your blood vessels (arteries or veins). It shows how blood circulates in blood vessels at specific locations in your body.”
Pahayag ni Robin, “In-advice ako sa Spain na magpa-check up. So, pagdating ko nagpa-confine ako agad.
“Chineck ako, ultrasound, lahat. Endoscopy, colonoscopy, lahat na ginawa na nila doon. Wala silang kahit anong nakita. Pulmonary naman, walang problema.
“2D echo ako ngayon, nung 2D echo sabi nila parang, may nakikita kami ugat na lumaki.
“Dinala ako sa cardio, ‘yung cardio pinag-stress test ako may nakita sila, ischemia. Kailangan ka namin i-angiogram, sabi ko, ‘angiogram muna tayo. Wala naman masama doon’, malaman natin kung may bara,” aniya pa.
Ang “Ischemia” ayon sa Google, “is a condition in which the blood flow (and thus oxygen) is restricted or reduced in a part of the body. Cardiac ischemia is the name for decreased blood flow and oxygen to the heart muscle.”
Pagpapatuloy ni Robin, “Sabi niya (doktor), very healthy heart. Ang kailangan natin bantayan ‘yung high blood mo.”
Related Chika
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.