Martin del Rosario basag na basag sa netizens matapos mag-picture kasama ang mga starfish: 'Tangahan mo pa!' | Bandera

Martin del Rosario basag na basag sa netizens matapos mag-picture kasama ang mga starfish: ‘Tangahan mo pa!’

Therese Arceo |March 04,2023
facebook
share this

Martin del Rosario basag na basag sa netizens matapos mag-picture kasama ang mga starfish: ‘Tangahan mo pa!’

Therese Arceo - March 04, 2023 - 02:15 PM

Martin del Rosario basag na basag sa netizens matapos mag-picture kasama ang mga starfish: 'Tangahan mo pa!'
TINALAKAN ng madlang pipol ang Kapuso actor na si Martin del Rosario matapos itong mag-picture kasama ang mga starfish.

Nitong Biyernes, March 3, ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang larawan kung saan makikitang inilagay niya ang mga starfish sa kanyang hubad na katawan na kuha habang nagbabakasyon sa Coron, Palawan.

“Starfish attack,” maikling caption ni Martin.

Agad namang uminit ang ulo ng mga netizens sa ginawa ng aktor dahil sa hindi nito magandang ginawa sa naturang sea creatures.

Sa comment section ng post ni Martin ay puro nanggagalaiting netizens ang makikita at mga pangaral na mali ang ginawa ng aktor.

“Everyone needs to understand the importance of not touching and not removing starfish from the sea. The answer is simple: starfish die when they are taken out of the water. Since starfish cannot stay in the water and breathe, they suffer from carbon monoxide poisoning, which causes them to die from asphyxiation,” saad ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Martin del Rosario (@martinmiguelmdelrosario)

Comment pa ng isa, “Seems harmless at first (para sa mga ignorante like you) BUT please do know na hindi dapat ginaganyan ang starfish. Pinapakealamanan mo at Pinapatay mo ang mga may buhay para lang sa selfie mo. Please be mindful naman!”

“Sana hindi mo n lang pinost or better yet take down this post as it will give ideas to those na mga bobo na gagayahin tong ginawa mo,” hirit naman ng isa sa post ni Martin.

“From Dahmer to this, sige accla TANGAHAN mo pa.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging agaw pansin ang post ni Martin.

Matatandaang nitong October 2022 lang nang i-bash siya ng madlang pipol sa paggaya kay Jeffrey Dahmer, isang American serial killer, para sa kanyang Halloween costume.

Iritang irita ang mga netizens sa ginawa ng aktor dahil hindi raw dapat niro-romanticize ang tulad ni Dahmer na serial killer at hindi magandang makita ng mga bata na ok lang ito dahil baka gayahin nila ang mga maling gawi nito.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Martin hinggil sa isyung kinasasangkutan.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng aktor.

Related Chika:
Martin del Rosario nag-ala serial killer sa Halloween, binatikos ng netizens

Martin del Rosario nag-sorry sa pagbibihis bilang Jeffrey Dahmer: It was nothing intentional

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Fans ni Alden gustong sapakin, sampalin si Martin del Rosario

Pekeng Martin del Rosario sa Facebook buking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending