‘Voltes V: Legacy’, ‘Maria Clara at Ibarra’ lalaban sa 2023 Asian Academy Creative Awards; Ruru Madrid super angas sa ‘Black Rider’
MULI na namang nagbigay ng karangalan sa bansa ang dalawang groundbreaking series ng GMA Entertainment Group na “Voltes V: Legacy” at “Maria Clara at Ibarra.”
Iyan ay matapos humakot ng parangal ang mga programa ng GMA Network sa 2023 Asian Academy Creative Awards.
Kabilang diyan ang “Voltes V: Legacy” na magiging pambato ng Pilipinas sa dalawang kategorya: ang Best Animated Programme or Series (2D OR 3D) at Best Visual or Special FX in TV Series or Feature Film.
Nanalo rin ng National Award for Best Theme Song ang soundtrack ng “Maria Clara at Ibarra” na “Babaguhin Ang Buong Mundo” na kinanta ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.
Bilang mga National Winner, magiging kinatawan ng Pilipinas ang mga naturang programa sa Grand Awards and Gala Final na gaganapin sa December 7.
Ang Asian Academy Creative Awards ay kumikilala sa world-class entertainment sa iba’t ibang platform gaya ng telebisyon, digital, streaming, at iba pa.
* * *
Lalo pang nasabik ang Kapuso fans matapos ilabas ng GMA Public Affairs last Thursday (October 5) ang teaser ng inaabangang action series ni Primetime Action Hero Ruru Madrid, ang “Black Rider.”
Ayon nga sa netizens, isa na naman itong pasabog ng Kapuso Network dahil maliban sa bigating cast, very socially-relevant din ang programa.
Siyempre, hindi rin dapat isantabi ang pagpuri nila sa angas at tikas ni Ruru sa mga maaksyong eksenang ipinakita sa teaser.
Talaga nga namang kabilib-bilib ang husay niya sa pag-arte at pag-execute ng stunts, kasama ang ibang dapat pang abangang Kapuso stars gaya nina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Kylie Padilla, at Jon Lucas.
Kasama ring bibida ni Ruru sa serye ang kanyang leading lady na si Yassi Pressman. Ilan pa sa mga aabangan sa “Black Rider” ay sina Isko Moreno, Joaquin Domagoso, Gladys Reyes, Empoy, Jayson Gainza, Janus del Prado, at marami pang iba.
Handa na ba kayong mas makilala ang bagong mukha ng hustisya? Mapapanood na ang “Black Rider” sa GMA Telebabad this November.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.