5 bida ng 'Voltes V: Legacy' inaatake ng matinding 'sepanx', inalala ang pinagdaanang challenge sa loob ng 4 na taon | Bandera

5 bida ng ‘Voltes V: Legacy’ inaatake ng matinding ‘sepanx’, inalala ang pinagdaanang challenge sa loob ng 4 na taon

Ervin Santiago - September 06, 2023 - 07:10 AM

5 bida ng 'Voltes V: Legacy' inaatake ng matinding 'sepanx', inalala ang pinagdaanang challenge sa loob ng 4 na taon

Ang cast members ng ‘Voltes V: Legacy’

HANDA na ba kayo sa huling pag-volt in ng “Voltes V: Legacy” na mapapanood sa ultra electro magnetic finale nito ngayong darating na Friday, September 8?

Nagsanib-pwersa na ang Voltes V at Solar Bird para mapabagsak ang mga Boazanians at beast fighters. Ang tanong, magtagumpay kaya sina Steve Armstrong, Jamie Robinson, Mark Gordon, Little Jon Armstrong at Big Bert Armstrong sa pag-save sa planet Earth?

Sa pagtatapos ng “Voltes V Legacy”, nagbigay ng kanilang mensahe ang mga bida ng serye at kung ano ang nararamdaman nila ngayong malapit na silang magpaalam sa ere.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Sabi ng Kapuso Ultimate Heartthrob na si Miguel Tanfelix mixed emotions ang napi-feel niya, “Lahat ng pinagdaanan namin sa loob ng 4 years, nag-flashback sa akin nu’ng sinabing it’s a wrap.

“Nag-start kami sa lock-in, may quarantine pa, ang daming ginastos para maitawid ang taping during the pandemic.

“And now, nag-end na ang isang malaking chapter ng buhay ko. Nakakalungkot, but excited ako na makita nila ang bigger picture ng pinaghirapan namin,” aniya pa.

Binalikan naman ni Ysabel Ortega ang ilang highlights sa live-action adaptation ng nasabing Japanese anime na nagbigay ng Pinoy Pride all over the universe.

“Most of the time when there’s a project, iisipin ko na maganda at malaking step siya para sa career ko. Pero itong ‘Voltes V: Legacy’ masasabi ko na para siya sa buong Pilipinas. Milestone siya for everyone. Buong GMA, very hands on sa project na ito. That’s why I feel honored, grateful, and proud,” sabi ng aktres.

Baka Bet Mo: Michael V sa mga nang-okray sa trailer ng ‘Voltes V: Legacy: ‘Nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng basher’

Napa-throwback naman si Radson Flores, “Sa set, pinaka-favorite ko ‘yung little things na ginagawa namin para sa isa’t isa. For example, sabay-sabay kaming kakain.

“Then kapag sa costume may mali, lalapit si Miguel aayusin niya or ako kay Matt, aayusin ko props niya. Sa labas ng set naman, mami-miss ko mga spontaneous outing namin. Nase-sepanx talaga kaming lahat,” aniya pa.

Natanong naman ang child star na si Raphael Landicho sa mga challenging scenes na ginawa niya sa serye, “Yung nakikipag-away kami sa beast fighters. Ang hirap mag-imagine na kunyari nasasaktan o nakukuryente kami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Voltes V: Legacy (@voltesvlegacy)


“Memorable din ‘yung pagbuo ko kay Octo-1. And of course, ‘yung eksena na nakasakay ako sa dolphin. First time ko na humawak at magpakain ng dolphin. Natakot talaga ako noon pero nagawa ko naman at nag-enjoy ako,” chika ng bagets.

Kuwento naman ni Matt Lozano, “Hindi ko naman akalain na mapapasama ako sa isang iconic anime na pinapanood ko lang noong bata ako.

“Sobrang proud ako to be part of this big project at lalong nakaka-proud kasi sobrang hirap ng pinagdaanan namin sa set, sa struggles ng kanya-kanyang characters. Proud kami kasi from day 1 up to the last taping day, lumaban kami,” lahad ng singer-actor.

Nagbigay din ng mensahe si Direk Mark Reyes ngayong malapit nang matapos ang kanyang obra, “We’re happy with what we’ve accomplished. Nothing is perfect—we could have improved on a lot of things and added more things to the story, but we have limited time already.

“But for the bigger picture, it’s overwhelming that not only in the Philippines but also globally ang reactions. It’s very touching. That’s the biggest achievement. We said hello, world! GMA can do something like this and we’re proud of what we’ve done,” sey pa ni Direk.

Kaya huwag na huwag palalagpasin ang huling tatlong gabi lalo na ang epic finale ng “Voltes V: Legacy”, 8 p.m. sa GMA Telebabad at at 9:40 p.m. sa GTV.

Direk Mark Reyes emosyonal sa presscon ng ‘Voltes V: Legacy’, inisa-isa ang matitinding challenge sa shooting: ‘Ito na ang pruweba na ginastusan ‘to!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending