David Licauco inamin ang tunay na rason kaya tinanggap ang ‘Maria Clara at Ibarra’: ‘Kasi wala na akong pera’
NAGPAKATOTOO ang Kapuso actor na si David Licauco sa kanyang sagot nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra.”
Inamin ng tinaguriang Pambansang Ginoo dahil sa naging karakter niya sa naturang serye bilang Fidel, na balak na talaga niyang mag-quit sa showbiz nu’ng magsimula na siyang magnegosyo.
Ani David, naiisip na niyang iwan ang pag-aartista bago ialok sa kanya ang “Maria Clara at Ibarra.” Plano na raw niyang mag-concentrate sa kanyang mga itinayong business.
View this post on Instagram
“Never ko ‘to naisip buong buhay ko. Kasi nga, bago mag-‘Maria Clara,’ gusto ko na mag-stop. Parang na-overtake na ‘yung love ko sa business ‘yung acting eh,” ang pahayag ni David nang mag-guest siya sa YouTube channel ni Ogie Diaz.
Pero matapos magnilay-nilay, naisipa niyang tanggapin ang project dahil bukod sa makakatrabaho nga niya sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo ay wala na rin daw siyang savings that time.
Baka Bet Mo: David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN
Ayon kay David, in-invest na raw kasi niya ang halos lahat ng kanyang pera sa mga itinayo niyang mga business.
“In-accept ko ‘tong ‘Maria Clara,’ honestly, kasi wala na akong pera,” ang diretsahang pahayag ng hunk actor.
Kaya naman todo ang pasasalamat niya sa kanyang mga fans na sumuporta sa kanya at sa tambalan nila ni Barbie on screen.
“Nakakatuwa rin na minsan ‘yung mga fans, parang sasabihin nila sa‘yo na, ‘dahil sa‘yo David, nawala ‘yung anxiety ko.’
View this post on Instagram
“’Yun ‘yung magpapa-energize sa ‘yo, eh. ‘Di ba nakakatuwa yun eh? Na you’re making people happy,” sey pa ni David.
Samantala, nakatanggap muli si David ng bagong nomination para sa kategoryang Inspirational Youth of the Year award mula sa 6th Philippine Empowered Men and Women for the year 2023.
Kamakailan lamang ay nagwagi ang binata ng TV Supporting Actor of the Year mula sa 4th Village Pipol Choice Award, kasama ang kapwa Kapuso star na si Myrtle Sarossa na nanalo naman bilang Cosplayer of the Year.
Samantala, ang Sparkle artists namang sina Sofia Pablo at Allen Ansay ay nominado para sa Empowered Teens of the Year.
Other Kapuso stars who received a nomination are Will Ashley, who is nominated for the Multimedia Heartthrob of the Year award, and Ashley Rivera, Who is nominated for the Comedy Sexy Actress and OG Social Media of the Year awards.
Piolo sa Pinoy version ng Doctor Foster: Kung tinanggap ni Juday, I’ll do it!
John Lloyd may mas malalim na dahilan kung bakit tinanggap ang offer ng GMA 7
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.