John Lloyd may mas malalim na dahilan kung bakit tinanggap ang offer ng GMA 7
John Lloyd Cruz
MAY isa pang malalim na dahilan kung bakit tinanggap ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz ang offer ng GMA 7 na muling magbida sa isang TV show.
Inabangan ng Kapuso viewers ang pilot episode ng “Happy ToGetHer” last Sunday, Dec. 26 kaya naman isa ito sa naging hot topic sa social media isang araw matapos ang Pasko.
Naging special guest sa bagong Sunday sitcom ng GMA si Jasmine Curtis na naghatid ng kilig at katatawanan sa mga manonood. Ka-join din sa “Happy ToGetHer” sina Jayson Gainza, Miles Ocampo at Carmi Martin sa direksyon ni Bobot Mortiz.
Sa panayam ng press kay John Lloyd, sinabi nitong excited na siyang na makatrabaho ang mga Kapuso artists na posibleng mag-guest sa kanilang sitcom.
Aware naman ang aktor na halos lahat ng Kapuso stars ay excited nang makatrabaho siya kaya naman natanong siya kung ano ang feeling na maraming naghahangad na makasama siya sa mga susunod na projects ng GMA.
“Sobrang excited kasi may bagong surge of energy to work. And then, siyempre, kailangan natin ng makakatrabaho, kailangan natin ng collaborators,” ani Lloydie.
Dagdag pa niya, “Ang dami pang puwedeng magawa. And sa dami ng puwedeng magawa, siyempre kailangan natin ng kabatuhan.
“So, I’m really looking forward to meeting all of them na nag-e-express na gusto daw nilang makatrabaho kami.
“Sana may mahanap na pagkakataon, materyal, opportunity para we can all get together and experience working together,” pahayag pa ng aktor.
Aniya pa, “Ako rin ho umaasa, humihiling na yung schedule nila tumama sa schedule namin.
“At the end of the day, schedule ang issue, e. Sana we can work things out with all of the Kapuso stars na gustong makapag-guest dito sa aming show,” lahad pa ng bagong Kapuso star.
Kasunod nito, nabanggit nga ni Direk Bobot ang isa sa major-major reason kung bakit pumayag si John Lloyd na ituloy ang paggawa ng sitcom sa GMA.
“Involved na involved si John Lloyd dito (sa sitcom), hindi lang sa paggawa namin ng show, kundi kung bakit namin ginawa ang show na ito,” sabi ng actor-director.
Aniya, kasama sila sa mga nawalan ng trabaho mula nang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN noong July, 2020. Isa ang dating sitcom ni Lloydie na “Home Sweetie Home” sa mga nagbabu sa ere nang hindi na bigyan ng bagong prangkisa ang network.
Pagpapatuloy pa ni Direk Bobot, “Medyo nawalan na lahat ng trabaho ang iba, kinausap ko siya (John Lloyd).
“Sabi ko, ‘Lloydie, puwede ba tayong gumawa para matulungan natin yung mga kasamahan natin?’ Sabi niya, ‘Sige, Direk. Kung makakatulong ako, babalik ako.’
“Kaya yun ang unang-unang ipinagpapasalamat natin kay Lloydie,” aniya pa.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/288292/mr-m-parang-nabuhay-daw-uli-dahil-sa-gma-mahirap-tanggihan-yung-offer-nila
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.