'Buko' ni David Licauco pinagtripan ng mga beki, topless photo sa beach viral na | Bandera

‘Buko’ ni David Licauco pinagtripan ng mga beki, topless photo sa beach viral na

Ervin Santiago |April 02,2023
facebook
share this

‘Buko’ ni David Licauco pinagtripan ng mga beki, topless photo sa beach viral na

Ervin Santiago - April 02, 2023 - 08:36 AM

'Buko' ni David Licauco pinagtripan ng mga beki, topless photo sa beach viral na

David Licauco

PINAGPIYESTAHAN na naman ng mga netizens ang topless photo sa social media ng Kapuso hunk at tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco.

Bentang-benta na naman ang hubad na litrato ng leading man ng Kapuso actress na si Barbie Forteza sa mga fans lalo na sa mga beking supporters ng binata na nagpapantasya ngayon sa kanya.

Sa kanyang Instagram account, makikita ang topless photo ng binata habang  nasa dalampasigan at nakaupo sa buhanginan. May katabi pa siyang ilang piraso ng buko na naging sentro ng panunukso kay David.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


“Just existing,” ang maikling caption ni David sa kanyang IG photo kung saan bahagyang natakpan ng hawak niyang sumbrero ang kanyang face.

Baka Bet Mo: Flawless na kilikili ni Neri Miranda pinagpiyestahan ng netizens: Kainis! Makinis pa kesa sa mukha ko!

Sunud-sunod naman ang mga comments ng netizens nang makita ang topless photo ng binata at karamihan sa mga ito ay pinagtripan ang buko ni David.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng fans at IG followers ng Kapuso hunk.

“Pangarap ko talagang maging buko charot.”

“Titikman ang buko juice!”

“Sarap ng bj p’re.”

“I love buko juice.”

“Ang sarap… ng buko hahaha.”

“Buko juice so refreshing and healthy for everyone!”

Napapanood ngayon sina David at Barbie sa “Daig Kayo Ng Lola Ko” tuwing Linggo ng gabi sa GMA 7. At in fairness, talagang hindi pa rin sila iniiwan ng kanilang mga fans mula sa iba’t ibang bansa.

Ito’y matapos nga ang matagumpay nilang primetime series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan sumikat nga ang tambalan nilang “FiLay” at “BarDa.”

David Licauco mas naging maingat ngayon dahil sa titulong Pambansang Ginoo: ‘Pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden Richards ibinandera ang topless photos, pinainit ang social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending