David Licauco mas naging maingat ngayon dahil sa titulong Pambansang Ginoo: 'Pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan' | Bandera

David Licauco mas naging maingat ngayon dahil sa titulong Pambansang Ginoo: ‘Pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan’

Ervin Santiago - February 26, 2023 - 07:58 AM

David Licauco mas naging maingat ngayon dahil sa titulong Pambansang Ginoo: 'Pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan'

David Licauco

MAGKAKAHALONG kaba, pressure at excitement ang nararamdaman ngayon ni David Licauco sa ibinigay sa kanyang titulo na “Pambansang Ginoo”.

Ito’y dahil nga sa tagumpay ng teleserye niya sa GMA 7 na “Maria Clara At Ibarra” na nagpaalam na last Friday kung saan nakasama niya sina Barbie Forteza, Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.

Ayon sa hunk actor, nang dahil sa nasabing drama series ay napakaraming nagbukas na oportunidad para sa kanya, kabilang na nga ang titulong “Pambansang Ginoo” na nagmula sa karakter niyang Fidel.

“It’s a pressure-filled name so I try not to think about it. But siguro binigay nila sa akin yun for a reason. I just have to do my best at all times and really live up to that heavy name,” pahayag ni David sa presscon ng latest endorsement niya, ang Blue Water Day Spa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


Patuloy pa niya, “Siguro, mga five months ago, you wouldn’t tell na we’ll be here. I wouldn’t receive this endorsement if it weren’t for Maria Clara, di ba?

“Kung tinatanong niyo yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming. But at the same time, you just have to stay grateful kasi hindi naman lahat ng tao nabibigyan ng ganitong oportunidad.

“So, kahit minsan mahirap na at nakakapagod, kumbaga kailangan mo na lang din isipin na kailangan mo maging grateful kasi dati pinangarap mo rin ito,” lahad ni David.

Ibang-iba na rin daw ang sitwasyon niya ngayon kung ikukumpara nitong mga nagdaang buwan. Mas marami na raw kasing nakakakilala sa kanya kapag lumalabas siya.

“For me kasi, showbiz is like any other job. So, parang tini-treat ko lang ito na trabaho. Siguro, minsan gusto ko lumabas, gusto ko mag-have fun with friends, tapos may makikita akong comments na parang ‘dapat di ka na lumalabas.’

“Parang for me, wala namang masama du’n as long as wala naman akong ginagawang anything overboard,” aniya pa.

Promise naman niya sa kanyang mga fans, “My personality and how I am as a person has not changed since I was 12 years old, 10 years old.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by David Licauco (@davidlicauco)


“Kumbaga, whenever I’m with my high school friends, sobrang maloko pa rin ako. Nag-lolokohan kami, mga ganu’n.

“So, I just sort of remain the same. I just have more responsibilities now and yun na nga, again, naging ‘Pambansang Ginoo’ ako, na never ko naman in-expect.

“So, I guess, I just have to do my best at all times na maging magandang ehemplo at halimbawa sa mga kabataan at sa mga taong sumusuporta sa akin,” sabi ng Kapuso hunk.

Dagdag pa niya, “Siyempre, again, I’m like a public figure now and marami na akong… marami nang mga tao na tumitingala, kumbaga, tingin nila sa akin ay inspirasyon ako.

“So, kailangan ko mas maging careful du’n kasi, di ba, pangit naman magpakita ng masamang bagay sa mga kabataan,” ani David.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon ang binata nang mag-viral ang mga lumang tweet niya patungkol sa Pambansang Bayani na si Jose Rizal na siyang naging sentro ng kuwento ng “Maria Clara At Ibarra.”

Noon pang August, 2013 ipinost ni David ang reklamo niya sa pag-aaral sa life story ni Jose Rizal. Ikinumpara ito ng mga fans sa naging reaksiyon ni Klay (karakter ni Barbie sa MCAI) sa pag-aaral ng “Noli Mi Tangere” sa serye.

Tweet ni David noong hindi pa siya nag-aartista, “Hassle joseriz.. What do we care about Jose Rizal’s girls and vices!”

“Studying Jose Rizal’s life for tom’s finals. Ano makukuha ko dito,” hirit pa ng binata. Nakakuha ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Reaksyon ng hunk actor sa muling paglabas ng kanyang tweet, “Nagulat ako at natakot kasi baka mamaya meron pang ibang tweets na mahalungkat ng mga fans.

“Kasi, as we know, yung Twitter before, yun yung mga nagra-rant ka, sinasabi mo yung mga out of the box na naiisip mo. So, sana wala naman.

“Siyempre, dati kasi hindi naman ako artista. Kumbaga, everything goes, e, di ba? So, hindi ko naman yun dinelete kaya medyo kinakabahan. Pero siguro naman maiintindihan nila yun kasi bata pa ako nu’n, e,” sabi pa ni David sa isang hiwalay na panayam.

Sabi pa niya, “Crazy lang din talaga kung paano umikot yung mundo, e, di ba? Nu’ng umpisa, kinabahan ako kasi baka isipin nila, parang wala akong kuwentang tao.

“But then, siyempre that time, I was 17 years old or 16. And ayun, luckily, hindi naman sila nag-react ng masama,” dugtong ng aktor.

David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

ambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bwelta ni Gladys sa mga tumawag sa kanyang kabit ni Pambansang Kolokoy: ‘Mukha ba akong nanganak?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending