Bwelta ni Gladys sa mga tumawag sa kanyang kabit ni Pambansang Kolokoy: ‘Mukha ba akong nanganak?’
“FAKE news!” Yan ang sigaw ng komedyana at dating TV host na si Gladys Guevarra sa chikang siya raw ang “kabit” ng vlogger na si Pambansang Kolokoy.
Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakadawit ng pangalan ni Gladys sa paghihiwalay ni Pambansang Kolokoy o Joel Mondina at asawa nitong si Marites Mondina.
Ayon sa chika, si Gladys daw ang ipinalit ni PK sa kanyang estranged wife base sa inilabas na video sa TikTok account na “kainuschismis”.
Makikita sa mga kumakalat na screenshots sa social media si PK kasama ang kanyang baby, at ang babaeng naka-shades at naka-face mask.
Hindi pinangalanan sa naturang TikTok video kung sino ang kasamang girlalu ni PK pero makikita ang pangalang “Gladys Guevarra” sa hashtag.
Nang makarating sa dating Kapuso comedienne at TV host, agad siyang nag-post sa Facebook at inalmahan ang mga malisyosong chika sa kanila ni PK kasabay ng pagpapakita niya ng tiyan para patunayang hindi siya nanganak.
“O shoutout sa mga nagpapaka-NBI hahaha? Kumusta? May nakuha ba kayong mga ebidensya? Para sa inyo ‘to.
“Mukha ba akong nanganak? Yan tayo eh! Huwag padalos-dalos sa pagbintang mga kapitbahay. Tinawag mo na kong kabit wala ka naman alam. Ano tawag pag wala alam? Di ba BOBO?” panunupalpal ni Gladys sa mga nagkomento sa video.
Aniya pa, “Relax lang muna, chill sabi nga. Pati kusina daw pareho. Hahaha Naku naku naku, wag sasanga-sanga. Ayan tayo eh!
“Ayusin lang comment, kasi madali ako mag decide. Iba-block agad kita. Sayang naman, wala ka na
mababalitaan sa akin pag nagkataon. Tsismosa ka pa naman! Hehehe!”
“Sabi ko naman sa inyo, di ko kailangan ng followers kung bastos ka magsalita. Maraming makakapagpatunay niyan dito.
“Karamihan sa kanila mga nakilala ko na sa personal at naging mga kaibigan sa totoong buhay,” pahayag pa ni Chuchay.
Hindi naman nabanggit ng komedyana kung may balak niyang kasuhan ang mga taong nagpapakalat ng malilisyosong tsismis tungkol sa kanya.
Bukas ang BANDERA sa magiging reaksiyon ni Pambansang Kolokoy hinggil sa isyung ito.
Pambansang Kolokoy dedma sa bashers, patuloy pa ring gagawa ng videos online
Gladys Guevarra ibinandera ang bagong bahay sa US: Ang hirap, pero thank you Lord!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.