Topless photo ni Jeremy nilagyan ng malisya, sey ni Pia hindi ‘dilig’ ang Vitamin D: ‘Yung nakukuha sa sun exposure, kayo naman!’
NILAGYAN ng malisya ng ilang netizens ang latest Instagram post ni Pia Wurtzbach patungkol sa kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey.Siguradong tawa nang tawa ang TV host-actress sa mga naging reaksiyon ng kanyang IG followers sa dalawang topless photo ni Jeremy na ibinahagi niya sa social media.
Kuha ang mga litrato ni Jeremy sa Seychelles, Africa na nilagyan ni Pia ng caption na, “Another adventure with my love (blue heart emoji).
“My daily dose of Vitamin C…cos when I see you, oks na me. Kung may Vitamin D, mas happy (sun and laughing and crying emojis). @jeremyjauncey,” ang sabi pa ng dalaga.
View this post on Instagram
Para sa ilang netizens, may double meaning daw ang pagkakasulat ni Pia ng “Vitamin D” sa kanyang caption dahil feeling nila ang tunay na kahulugan daw nito ay “dilig” o “sex.”
Narito ang ilan sa mga comments ng mga IG users sa mga litrato ni Jeremy na ibinandera ng Pinay Miss Universe.
Ang sabi ng kaibigan niyang ace photographer na si BJ Pascual, “PIA WURTZBACH – A TRUE GAY ICON!!!!!”
Puro fire at heart emojis naman ang ipinost ng mga kaibigan niyang sina Bretman Heart, Maureen Wroblewitz, Gazing Ganados at marami pang iba.
Baka Met Mo: Hugot ni Kaladkaren sa dyowang British: ‘Dati pangarap lang kita, ngayon natitikman na! Charot!’
“Panalo lagi caption ni Queen P!”
“HAHAHAHAHAHHA WHATS THE VITAMIN D, QUEEN P?”
“Vitamin D, yung naglalabas ng vitamin C.”
“PIA KWEENING GET THAT VITAMIN D!!!!”
View this post on Instagram
“Hahahaha I love the honesty.”
“Ibang Vitamin C yung naisip ko sis @piawurtzbach haha chos!”
“Queen P is still relevant to our country which is the Philippines. HAHAHAHA! Vitamin D reveal! ”
“All you need is Vitamin J. Enjoy your adventure with your love!”
“Go Queen P! winner talaga palagi ang mga captions.. ahm yung Vitamin D as in Dilig? Sanaol!”
Sa isang nagkomento sa kanyang post, may sinagot si Pia ng, “Vitamin D na nakukuha sa sun exposure. Kayo naman!”
O, ayan, hindi naman pala “dilig” ang ibig sabihin ni Queen P! Ganern! Tayo na talaga ang malisyosa! Ha-hahaha!
Pia napiling katambal ni Piolo sa bagong comedy show na ‘My Papa Pi’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.